KABANATA 1Sa magulo, nakakaloka, nakakatanga, pero masayang mundo ng pag-ibig, meron daw apat na uri ng tao:
'yung tapat na mamahalin ka ng sapat,
'yung takot na hindi madaling mapikot,
'yung manloloko na ang sarap hatawin ng tubo,
at 'yung niloloko o nagpapaloko na kung magmahal ay walang preno.
Sino ka d'yan? Ako? Hindi ko pa alam dahil hindi pa naman ako nagmamahal. Pero isa lang ang sigurado ko, hinding-hindi ako magpapaloko at hinding-hindi ako magpapauto sa isang lalaki. Ayokong maranasan ang masaktan sa pag-ibig tulad nalang ng kaibigan naming si Veron ngayon.
"Multuhin sana s'ya ng mga alaala naming nanghihingi ng hustisya sa pagkamatay ng feelings n'ya para sa akin!"
Bakas ang sakit sa mga mata ni Veron nang sabihin n'ya iyon. Hiniwalayan kasi ito ng boyfriend n'ya dahil daw hindi na s'ya nito mahal. At ilang linggo lang ng hiwalayan nila, nabalitaan naming meron na 'tong iba.
"Kalimutan mo na nga kasi 'yung alipunga na 'yun! Baka mamaya mine-message mo pa, ah!?" pinanliitan s'ya ng mata ni Daisy.
Umirap ito, "Akala n'yo ba madali? Ang hirap kaya. Lalo na kung kahit saan ako magpunta, ang daming mga bagay na nagpapaalala sa kan'ya. Tulad nalang ng basura, tae ng aso, kanal, ipis. Mga gano'n." sabay tawa nito.
"Ano ka ba, sis. Sabi nga sa kanta, kapos kapalaran, humanap ng iba!" si Arah sabay ngiti na animo'y may masamang balak.
Tumango si Veron. "Sabagay. Kung liligaya na s'ya sa piling ng iba, edi pakyu silang dalawa." sabay tawa nito.
"Hayaan mo, Ron. Pagdating ng mga bisitang taga Maynila mamaya, makakamove-on ka na agad-agad sa chaka na 'yon. Kaya galingan mo ha." biro ko na nagpakilig hindi lang kay Veron kundi pati kay Arah.
"Hindi ko lang gagalingan, gigilingan ko pa!" si Veron sabay dila at kindat na napakahalay.
"Ikalma ang mga matres, 'te! Baka mamaya masyado kayong halatado na na-stalk n'yo na silang lahat sa Facebook, ah?" iiling-iling si Daisy sabay tingin na makahulugan kay Arah.
Paano kasi, nang ibalita ko sa kanila na magdaraos ng party si Mayora para sa unico hijo nitong si Sir Inno dahil sa pagpasa nito sa Board Exam for Civil Engineers, at magsasama ito ng ilang mga kaibigan n'ya pauwi, agad kinalkal ni Arah ang FB ni Sir Inno at inalam kung sinu-sino ang mga kaibigan nito na dapat naming abangan. Galing diba?
"Grabe ka naman, sis. Pero mine na si Dylan at Jason, ah. Ako nauna." si Veron na akala mo'y sinisilaban ang singit sa sobrang kilig. Kanina lang problemado sa Ex 'to ah? Wow, magic.
"Ako nga parang mahal ko na si Timothy. Unang kita ko palang sa profile picture n'ya, hindi lang heart ko 'yung tumibok. Pati atay, baga at bahay-bata ko, nayanig!" si Arah naman na ngayon ay tulala na sa langit at nagpapantasya.
"Huy, ang kakati n'yo talaga! Baka naman magkalat kayo mamaya, nakakahiya kay Mayora at baka maapektuhan pa ang trabaho ni Ahlia." saway ni Daisy sa dalawa.
Ako kasi ang sekretarya ni Mayora. Kaya nga ako din ang naging punong abala sa party para kay Sir Inno. Medyo kabado nga ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan n'ya ba ang ginawa ko dahil hindi ko pa talaga s'ya na-mi-meet personally. Bago lang din kasi ako sa trabahong ito at hindi rin naman talaga dito nakatira sa Tagaytay si Sir Inno. Dahil hiwalay si Mayora sa asawa ay sa Maynila ito lumaki kasama ang daddy n'ya. Ang bunsong babae naman ang naiwan kay Mayora.

BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️