KABANATA 27

13.2K 204 13
                                        


KABANATA 27

"Musicians, ready na tayo, in three, two, one..."

Nagsimulang tumugtog ang pianist at violinist sa hudyat ng organizer. Bawat Daan ni Ebe Dancel ang napiling kanta nina Daisy. Kasabay ng musika, naunang nagmartsa sa gitna ng puting telang nakalatag sa buhangin ang mama at kuya ni Daisy, sa likod nila ay si Tj kasama ng mga magulang nito, sumunod ang mga abay at iba pang mga taong parte ng prosisyon.

Today is September 28, 2019. Kasal na ni Daisy at Tj. Ang napili nilang venue ay ang beach resort na pinuntahan namin dati, ang lugar kung saan sila unang opisyal na nagkakilala. Gray and gold ang motif. Gold ang kulay ng mga dress naming mga babae at gray naman ang suit mga lalaki.

Napapikit ako habang dinadama ang magandang kanta. Punong-puno ng emosyon ang puso ko at namumutawi doon ang saya para sa kaibigan kong si Daisy.

Sa pagdilat ko, namataan ko sa mga nakaupong bisita si Inno at nagtama ang mga mata namin. Nakasuot s'ya ng isang light gray na polong nakatupi hanggang siko. Seryoso ang mga tingin n'ya sa akin. Dahil doon ay pinili kong pumikit nalang ulit dahil lalo akong kinakabahan sa mga titig n'ya. Baka pumiyok pa ako, nakakahiya!

Nang makapasok na ang lahat at pumwesto na si Daisy kasama ang papa n'ya ay nakita ko itong nagpupunas ng luha.

Maligaw man at mawala
O umikot man sa kawalan
Dahil sa bawat kailan, sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

Mas lalo kong dinama ang kanta at nang makita ko nang mas malapitan si Daisy nang nasa bandang gitna na ito ay hindi ko na rin napigilang maluha.

Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo, ay pabalik
Sa'yo, hoh woah hoh
Sa iyo ooh ohh
Nagbabalik sa'yo

Maging ang groom na si Tj ay umiiyak na rin. Bakas sa mga mata nito ang matindi n'yang pagmamahal kay Daisy. Dahil sa matinding emosyon ng mga ikakasal ay nag-iiyakan na rin ang ibang mga bisita lalo na ang mga babae.

Napakaganda ng naging seremonyas ng kasal ni Daisy at Tj. Lalo na nang magpalitan sila ng vows sa isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam na nasaksihan ko ang isa sa pinaka masayang araw ng pinakamamahal kong kaibigan.

Matapos ang seremonyas, nagkaroon ng picture taking. Napansin ko na may mga ibang babaeng bisita ang gustong magpapicture kay Inno. Tumanggi s'ya at pumunta sa gilid ko. Hindi ako nagpahalata na nakita ko iyon. Kunwari nalang na busy kong nilalaro si Lucas na karga ngayon ni mama.

Kasama din namin ni mama si Caden. Tulad ni Inno, may mga nagpapapicture na teen ager sa kan'ya. Nagpapicture naman ang loko. Babaero talaga! Kakainis!

"Ang ganda ng pagkanta mo, lalo kaming napangawa."

Napangiti ako sa sinabi ni Veron. Ngayon ay papunta na kami sa reception. Nilakad nalang dahil malapit lang naman iyon.

"Ladies and gentlemen, let's all welcome the newlyweds, Mr and Mrs Arevallo!"

Pumasok na magkahawak kamay sina Daisy at Tj. Nagsalita sila ng pasasalamat sa lahat at nagpropose ng toast. Pinulupot nila ang kamay ng isa't isa tulad ng ginagawa ng ibang kinakasal na iinom ng wine, pero nang painom na sila ay tumigil si Daisy at kumalas.

"Ay, wait lang pala, bawal pala ako ng alak." humagikhik ito at nangunot ang noo ni Tj. "Bawal sa baby, eh."

Napanganga si Tj at nang mahimasmasan ay agad nitong niyakap si Daisy. Naghiyawan kami para sa kanila. Nganga din sina Veron at Arah. Ako naman ay natatawa lang dahil alam ko na talaga iyon.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon