KABANATA 8

19.9K 206 27
                                        


KABANATA 8

Masayang-masaya ako nang gabing 'yon. Nang hinatid ako ni Inno pauwi ay agad kong binahagi sa mga kaibigan ko ang nangyari gamit ang group chat namin sa Facebook.

Ahlia Blair:
Mga te may chika ako dali

Arah Quincel:
Ano sino na namang classmates natin ang buntis

Veronica:
luh may buntis na naman? tapos tayo ni jowa wala? ano nalang

Ahlia Blair:
Gagi hindi hahahha about kay Inno

Arah Quincel:
Nabuntis ka ni Inno? Sabi na nga ba binigay mo na nung nawala kayo ng matagal sa beach e

Veronica:
hala nagpawasak ka na sis congrats

Ahlia Blair:
Parang mga tanga hahahaha hindi kasi yan uhm ano di pa sya umuuwi ng manila tapos kasama ko sya kanina sinundo ako sa work

Arah Quincel:
OMGGGGGGGGG! May nanalo na! Haba ng hair mo!!!

Veronica:
yiiiiiiiieeeeeeeeeee kilig pempem!!! hindi sya umuwi para sayo!

Daisy Jade:
Anong kaguluhan to mga panget

Arah Quincel:
Well sorry Daisy pero ang nagpakilig kay Ahlia ay mukhang may balak na ibigin sya!

Ahlia Blair:
Baliw haha ibigin ka jan

Veronica:
im so happy for you ahlia!!!

Daisy Jade:
Ay wow medyo nakoconvince nako

Napangiti ako sa reply ni Daisy. Dahil kasi sa pagiging prangka at realistic ni Daisy, minsan ay masarap sa pakiramdam kapag nakakatanggap kami ng approval mula sa kan'ya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at medyo mabigat ang pakiramdam. Masakit din ang puson ko kaya may hinala na agad ako kung ano ito at pagpasok ko ng banyo ay napatunayan ko nga na meron na ako uli.

Nagdesisyon akong maligo ng maaga para maibsan ang bigat ng pakiramdam. Kaso ay mukhang hindi ito nakatulong kaya pinili ko munang magpahinga sa sofa habang nagpapatuyo ng buhok.

Nanunuod ako ng Youtube nang may biglang nagpadala ng mensahe sa akin. Nang buksan ko ay hindi ito nakarehistro sa cellphone ko.

Unknown Number:
Good morning. I'm outside your house. Breakfast?

Nanlaki ang mata ko at kahit hindi ito nagpakilala ay mukhang alam ko na agad kung sino ito. Sumilip ako sa bintana at nakumpirma ko ang hinala ko nang makita ko nga ang sasakyan na gamit ni Inno.

Nagmadali akong nag-ayos dahil ayaw kong mag-intay ito ng matagal sa akin. Nang makita ni mama na nagmamadali ako ay nagtaka ito.

"Maaga pa 'nak ah? Hindi ka pa nakain."

"May kailangan lang po akong gawin agad, ma. Doon na po ako kakain." palusot ko dito at hinalikan ko na ito sa pisngi at tumulak na agad ako paalis.

Paglabas ko ay agad bumukas ang pinto ng sasakyan ni Inno at lumabas ito. Nakasuot ito ng isang gray na t-shirt, black na sweat pants, at puting sapatos. Halatang bagong ligo ito at napakabangong tignan. Ano ba 'yan, nagsisimula pa lang ang araw ko pero kinumpleto na n'ya agad!

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon