KABANATA 26

12.9K 239 13
                                        


KABANATA 26

Isang linggo pa ang lumipas at nasanay na rin sa wakas si Lucas kina mama. Lalo na kay Caden na dati, tulad kay Inno, ay papa ang tawag n'ya. Ngayon ay 'uya na ang tawag n'ya dito. Bulol na kuya. At sila ang madalas magbonding kaya nakakatuwa. Nakakapaglaro na rin s'ya kasama ang ibang bata sa labas, mga pinsan n'ya kapag bumibisita sa amin, at kapag iginagala ko s'ya. Kaya masayang-masaya kami na makita ang malaking improvement kay Lucas.

Kaya naman nang magcelebrate kami ng bachelorette party ni Daisy, wala na akong naging problema. Maayos akong nakapagpaalam kay Lucas na inuto kong uuwian ko s'ya ng ice cream.

Tuwang-tuwa si Daisy sa sorpresa namin sa kan'ya. Nag-imbita pa kami ng ilang mga kaibigan at ibang pinsan ni Daisy kaya mas masaya.

Laugh trip din ang mga larong maselan at medyo green! Lalo na 'yung paramihan nang naputok na nilobong condom. Tapos lalong nagwala lahat nang dumating ang mga macho dancers! Ang wild na ng lahat kasi nakainom na. Sinayawan nila si Daisy. Topless lang sila pero naka-pants parin. Hindi na namin pinaghubad dahil hindi naman talaga sila dancers sa club. Miyembro sila ng isang sikat na dance group sa Cavite. Mabuti nga pumayag sila sa na mag-ganto kasi first time daw pala nila.

Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Bangag na bangag ako. Nagising nalang ako dahil dinadamba ni Lucas ang likod ko.

"Mimi, wakey!" sabi nito habang tumatawa dahil nag-eenjoy na kabayuin ang likod ko. Kasama n'ya si Caden na nakaalalay sa kan'ya.

Kinuha ko si Lucas at hinalikan ito sa pisngi. Tapos ay lumabas na kami sa kuwarto ko at nakita ko na naghahain na pala si mama ng lunch.

Habang kumakain, nakatanggap ako ng mensahe kay Daisy. Ngayon daw pala ang schedule ng gown fitting n'ya. Busy daw si Tj sa work kaya ako nalang ang sumama sa kan'ya tutal daw ay wala naman akong trabaho.

Sumama naman nga ako. Sinama ko rin si Lucas para maigala ko s'ya pagkatapos namin ni Daisy. Nag-bus kami dahil nga nasa trabaho pa si Tj. Doon ay aliw na aliw kami sa kakulitan ni Lucas. Sinasabayan na nito ang mga nursery rhymes na pinapanuod n'ya kahit medyo bubulol-bulol. Sobrang cute! Pati mga ibang pasahero ay natutuwa sa kan'ya. Feeling proud naman ako!

"Magb-baby ka ba agad pagkatapos ng kasal?" tanong ko kay Daisy. Ngayon ay sa kan'ya nakakandong si Lucas at sinasabayan n'ya itong kumanta-kanta.

Tumahimik saglit si Daisy. Ngumuso ito tapos ay biglang ngumiti na parang nahihiya.

"Buntis na ako, Li. 3 weeks na."

Nanlaki ang mata ko at napatili ako bigla. Nagtinginan tuloy sa'kin 'yung mga tao sa bus. Nag-sorry nalang ako.

"Gago! Weh?" gulat na gulat kong tanong.

Tumawa ito. "Oo! Huwag ka maingay ah kasi kahit si Tj, hindi 'yon alam! Isu-surprise ko s'ya sa reception ng kasal." humagikhik ito.

Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat. "Eh kagabi sa bridal shower mo, uminom ka diba!?"

"Hindi. Pasimple kong tinatapon ta's pinapapalitan ko ng juice sa isang pinsan ko na alam din na jontis ako."

Grabe! Galing talaga maglihim nito ni Daisy.

Halos isang oras din kaming bumyahe ni Daisy dahil sa Dasmariñas pa ang shop na napili n'ya. Pagdating namin, manghang-mangha ako kasi ang daming magagandang gowns! Parang ang sarap ikasal. Groom nalang kulang!

Mababait ang mga staff na naroon. Lahat ng kailangan ni Daisy, na sobrang demanding, ay ginawa nila.

Nakailang gown na sukat din si Daisy. Ako nalang ang humingi ng pasensya sa mga staff kasi minsan, nasusupladahan n'ya. Nakakaloka 'to si buntis. Sa totoo lang gusto daw s'ya patahian ng pamilya ni TJ ng disenyong gusto n'ya mula sa isang kilalang designer pero tinanggihan n'ya iyon. Tinanggihan n'ya lahat ng tulong ng side ni TJ kasi daw magastos. S'ya ang nagplano ng sarili n'yang kasal at sinigurado n'yang hindi masyadong magarbo.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon