KABANATA 35

16.9K 263 44
                                        

Ito na po ang huling kabanata ng libro ni Inno at Ahlia. Maraming salamat na nakarating ka rito at sinamahan mo sila hanggang sa huli...

--

KABANATA 35

"M-may nangyari po ba sa baby ko?"

Mabilis at sabay silang umiling. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag.

"I will call Doc., mom." sabi ni Inna at saka nito kami iniwan ni Mayora.

"Ahlia, oh my God, my dear, I'm really sorry."

Tumigil na si Mayora sa pag-iyak pero bakas sa mukha nito ang takot at pagsisisi.

"Mayora, okay lang po. May karapatan po kayong magalit sa'kin. Hindi n'yo po kasalanan, Mayora."

Umiling si Mayora at pinisil nito ng marahan ang kamay kong hawak n'ya.

"No. I'm actually not mad. Nagtatampo lang naman talaga ako. But I did all those things to you to test you and see if you will still hold on to Inno even if I'm being a pain. Tinitignan ko lang talaga if you will not leave my son again. Nakakaawa kasi talaga s'ya when you left him. Mahal na mahal ka n'ya, dear."

Tumango ako at humingi ulit ng tawad. Saglit kaming ganoon na nagsosorry sa isa't isa hanggang sa dumating ang doktor.

Pinaalalahanan lang ako ng doktor na medyo maselan daw pala ang pagbubuntis ko kaya hindi ako maaaring masyadong ma-stress at magpagod. Nang umalis ito at iwan na kami ulit tatlo sa kuwarto, bakas sa mukha ng dalawa ang tuwa at excitement.

"I can't believe I'm gonna be a grandma na." si Mayora na nangingilid na naman ang luha.

"Ate, alam na ba ni kuya? Kanina kasi tatawagan dapat namin s'ya but mom was scared na mapagalitan s'ya ni kuya dahil nga sa nangyari sa'yo."

Mabilis akong umiling kay Inna. "Hindi pa, Inna. Nasabi n'yo na ba sa kan'ya?" kabado kong tanong.

"Hindi pa, ate." mabilis naman nitong sagot.

"You're 4 weeks preggy, dear, he should know." nag-aalalang tanong ni Mayora. "I'm sure he will be very very happy."

Ngumiti ako kay Mayora. "Gusto ko po sana i-surprise s'ya eh. Sa November 29 po sana."

"Oh, okay." tumangu-tango silang dalawa.

Inihatid ako ni Mayora pauwi. Sa sasakyan ay sinabi n'ya sa akin na ang mga damit pala ay para sa akin talaga at hindi naman talaga kay Sandra. Kaya pala nagtataka ako bakit sa aking sukat n'ya binase eh mas payat naman sa akin si Sandra.

"Dapat pala maternity dresses na ang binili ko for you!" natatawang sabi nito.

"Hindi po bale, Mayora, maliit pa naman si baby kaya pwede ko pa pong masuot ang mga 'to. Salamat po ulit."

Ngumuso ito. "Call me 'mom', please. I'm no longer the Mayor and besides, you will marry my son soon, so..." kinindatan n'ya ako.

Nag-init naman ang mukha ko dahil nabanggit n'ya ang kasal. Sa totoo lang kasi, hindi pa naman talaga ako inaalok ni Inno ng pormal.

"Awww. You're blushing! Can't wait for the wedding!" malaking ngiting sabi nito. Natawa nalang ako. Kailan nga kaya?

"HAPPY BIRTHDAY LUCAS!"

Masayang-masaya si Lucas na ngayon ay karga ng daddy n'ya. Maraming bisita ang birthday party n'ya. Si Inno ay hindi mawala ang tingin kay Lucas at Tito Ivan. Nakikita ko na tuwang-tuwa s'ya sa mag-ama. Hindi tuloy ako makapag-antay na sabihin sa kan'ya na may baby na kami sa tiyan ko.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon