KABANATA 11Umuwi ako saglit para maligo at magbihis. Inantay ako ni Inno sa labas at nang matapos ako ay hinatid ako nito sa restaurant nina Arah.
"Ayan na s'ya! Tagal ah? Nahirapan hugutin?" si Arah sabay tawa.
Ngumiwi ako sa kalaswaan nito. "Manyak!"
"Blooming oh, iba talaga kapag hatid sundot—este sundo." si Veron naman ngayon.
Nailing nalang ako at natawa. "I miss you, mga 'te." nakangiting sabi ko sa mga ito at isa-isa silang niyakap bago naupo.
"Magplano tayo para sa birthday nitong si Daisy." si Arah saka nginuso si Daisy.
"Surprise party." sabi naman ni Veron.
Hinila naman ni Daisy ang buhok n'ya. "Punyeta ka, surprise tapos alam ko na." natatawang sabi nito.
"Surprise kasi magpaplano lang tayo pero hindi namin gagawin para iyak ka." ganti naman ni Veron dito sabay tawa.
"Saan mo ba gusto, Dais?" tanong ko dito at nag-isip naman ito.
"Madami nga eh. Trip ko mag-Enchanted Kingdom kasi libre du'n kapag may birthday tapos sa transpo kotse ni Arah, edi tipid ako. Or kain tayo dito sa restau nila Arah, syempre libre na rin sa'kin ni Arah 'yun so tipid din ako. Tapos gusto ko din maghanda sa bahay, mga take-out galing dito sa restaurant nila Arah pagtapos natin kumain para 'di talaga ako gagastos." ngumiti pa ang loka-lokang si Daisy pagkasabi no'n.
Si Arah naman ay nanlalaki na ang butas ng ilong. "Ampunin nalang kaya kita, punyeta ka. Hiyang-hiya naman ako sa'yo."
Nagtawanan kami sa bangayan ng dalawa. Mga baliw talaga.
"Ano nga, sa'n mo nga kasi gusto? Lintik na ito." si Veron na nauubusan na ng pasensya.
"Sa Papa Doms, lalasingin ko kayo." sagot naman ni Daisy.
"Maglalasing na naman, baka may mawala na naman." natatawang sabi ko at saka tumingin kay Veron.
"Sa susunod, sa bunganga na ng bulkang Taal natin 'yan makikita." si Arah sabay tawa.
Naging mahaba pa ang usapan para sa birthday ni Daisy, pero nang matapos iyon ay ako na naman ang pinuntirya nila.
"Huy, ano na bang update sa inyo ni Inno? Baka naman kayo na, hindi ka lang nagsasabi." si Arah na nagpakaba sa akin
"Baka magulat nalang kami, ninang na pala kami." gatong naman ni Veron. Loka-loka talaga.
"Hindi ah." sagot ko dito. Pilit tinatago ang nerbyos.
"Aba, dapat lang na hindi pa. Magpaligaw ka ng matagal do'n para malaman natin kung seryoso ba talaga 'yon." sabi ni Daisy at tinanguan ko nalang ito.
"Nako, manang, tigilan mo. Ok lang 'yan kahit hindi matagal, gusto naman s'ya ni Ahlia at gusto n'ya si Ahlia, ano pa bang aantayin nila? Wala naman sa tagal o bilis manligaw 'yan, nasa tao 'yan kung seryoso ba talaga o hindi. Meron nga d'yan, walang ligawan na naganap, pero may forever pa rin. Sana all diba?" mahabang litanya ni Veron na tinanguan naman ni Arah.
"Sa ibang bansa nga wala namang ligawan eh. Sa kanila hindi hinuhusgahan kapag babae ang gumagawa ng first move." sabi pa ni Arah.
"Nako, ayan na naman ang Team Landi at Team Rupok. Nagsanib pwersa na naman sila! Basta para sa'kin, sa dami na ng manloloko ngayon, mas maganda pa rin na magpaligaw ka para may time ka na kilatisin ang lalaki at mag-imbestiga sa nakaraan n'ya. Para hindi ka maloko." paliwanag naman ni Daisy.
"Bakit iimbestigahan mo ang nakaraan? Hindi ba dapat ay hindi na 'yon mahalaga? Past is past. Hindi mo dapat gamitin iyon na batayan para tignan kung dapat ba ang isang tao para sa'yo." sabi Arah na humalikipkip pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/227011762-288-k785505.jpg)
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️