KABANATA 32"...and if ever you're not pregnant and you decided you really want to take some pills, you will drink it on the first day of your next period."
Tumangu-tango ako kay Doc. kahit ang totoo ay ang naiisip ko nalang ay ang posibilidad na mabuntis ako.
Hindi pa ako ready...
Hindi pa ako ready...
Hindi pa ako ready...
Hindi pa kami kasal...
Hindi pa kami kasal...
Hindi pa kami kasal...
Lagot ako kay mama at papa...
Lagot ako kay mama at papa...
Lagot ako kay mama at papa..."Hey,"
Sinalubong ako ni Inno paglabas. Nag-aalala ang ekspresyon habang nakatingin sa mukha ko.
"You okay? How was it?"
Humugot ako ng malalim na paghinga at saka sumagot sa kan'ya. "Balik nalang daw, Inno, kapag malapit na ako magkaro'n at kung sakaling hiniakuntis." mabilis kong sinabi ang huli dahil parang hindi ko kayang sabihin 'yon.
Kumunot ang noo n'ya. "Huh? Sorry, say it again?" sabi nito na gulong-gulong.
Hindi ko masabi ng diretso. Kinagat ko ang labi ko at umiling nalang. "Wala, ano, tara na."
Naglakad ako at sumunod naman s'ya. Hindi na ulit nag-usisa. Hawak nito ang kamay ko at nilalaro iyon.
"Let's have some dinner first? My place, I'll cook for you. Then I'll send you home."
Napraning ako agad sa sinabi n'ya. Hindi pwede sa bahay n'ya! Panigurado may mangyayari na naman!
"Ano, uhm, kila Arah nalang kaya? Parang gusto ko doon magdinner." ngumiti pa ako para convincing.
Ngumuso naman s'ya, tila nalungkot. "You don't like my cooking?"
Nanlaki ang mata ko at agad ko s'yang inilingan. "Huh? Hindi! Masarap ka na nga magluto, mas magaling ka na sa'kin." baka kasi after dinner, ako naman ang kainin mo eh!
Gusto kong sabihin pero hindi ko maisatinig. Ano ba ito!
"Then, let me cook for you."
Wala na akong nagawa. Sumang-ayon na ako dahil ayaw ko s'yang magtampo. Nagpunta na nga kami agad sa bahay n'ya.
"Ano lulutuin mo?" nakangiting sabi ko nang makaupo sa couch n'ya.
Hindi n'ya ako sinagot. "Change your clothes first." sabi nito.
Nahilaw ang ngiti ko. Nu'ng nakaraan na nagbihis ako, t-shirt lang ang binigay n'ya. Ang ending, ang sexy ko daw kaya naakit s'ya at may nangyari sa amin.
"H-huh? Hindi na. Okay na 'to. Kumportable kaya ang slacks at blazer." KAHIT HINDI! Kahit sa totoo lang gustung-gusto ko na talagang magbihis.
"Ahlia, you're acting weird." umupo ito sa tabi ko at hindi ko namalayan na lumayo ako sa kan'ya.
Kumunot ang noo n'ya. "What's happening, Ahlia?" lumapit ito sa akin at wala na akong naurungan pa dahil nasa dulo na ako.
Nagbuntong-hinga ako at nagdesisyong sabihin na. "Inno, ayoko pa magbuntis. Sabi ni Doc. kanina may possibility daw na mabuntis mo 'ko."
Nakita ko na nalungkot s'ya sa sinabi ko. "Don't you want our own baby?"
"Syempre gusto, but not now, Inno. Kakabalikan lang natin. Hindi pa tayo kasal-"
"Then let's marry." putol nito sa akin na kinagulat ko.
Hinampas ko s'ya sa braso. "Inno kasi! Seryoso ako, eh."
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️