KABANATA 6

24K 235 16
                                        


KABANATA 6

Kinabukasan ay excited kaming lahat dahil sa wakas ay may araw na at mas makikita na namin ang angking ganda ng dagat.

Kumain muna kami ng almusal at sa hapag ay tampulan ng asar si Veron dahil sa ginawang eksena nito kagabi. Natatawa nalang ito pero hindi na daw talaga n'ya matandaan kung bakit s'ya napadpad sa play ground dahil sa sobrang kalasingan.

Nang matapos kaming kumain ay wala na kaming sinayang pang oras. Nagpunta kami sa beach at talaga namang napakaganda nito. Malinaw at malinis ang tubig at puti ang buhangin. Ang ibang lalaki ay dumiretso na sa dagat pero kaming mga babae ay picture taking ang inuna.

"Kailangan bago tayo magmukhang basang sisiw ay marami muna tayong pictures na maganda pa ang buhok natin at meron pa tayong blush-on." si Arah habang nananalamin gamit ang camera ng phone n'ya at inaayos ang buhok nito.

Morena beauty si Arah. Matangkad ito at mahaba ang tuwid na tuwid nitong buhok. Si Daisy naman ay maputi at hanggang taas ng dibdib ang kulay brown nitong buhok. Singkit din ang mata ni Daisy kaya minsan ay pinagkakamalan itong Korean. Si Veron naman ay may maigsi at itim na itim buhok. Bilugan ang mukha ni Veron kaya madalas itong pagkamalang 16 years old. Ako naman ay may mahaba at umaalon na buhok. Maraming pumupuri sa buhok ko dahil sa natural na pagkakulot nito. Meron din akong bangs na ginaya ko pa sa bidang babae ng isang K-Drama na kinaadikan ko nitong nakaraan lang.

Naghubad kami ng mga beach dresses para magpictorial ng nakabikini. Ngayon ay black naman ang kulay ng swimsuit ko. Puti naman ang kay Arah, pula ang kay Daisy at dark blue ang kay Veron.

Una ay nagpicture kami ng panglahatan ngayon naman ay isa-isa na.

"Mukha kang maliit, Veron, ilagay mo sa unahan ang isa mong paa tapos tingin ka sa malayo para kunwari stolen." suhestyon ni Daisy kay Veron na agad naman nitong sinunod.

Si Daisy ang photographer namin lagi dahil magaling talaga itong kumuha ng litrato. Nang matapos si Veron at ako na ang kukuhaan, bigla akong nahiya dahil mariin akong pinapanuod ni Inno na nasa isang lounger 'di kalayuan kasama si Timothy. Sina Dylan, Vince, at Riley naman ay nasa dagat na at naglalangoy.

"Gawin mo rin 'yung naka-una ang isang paa, Li. Para mukha ka ring matangkad."

Agad kong sinunod ang sinabi ni Daisy. Ngumiti ako sa camera pero dahil nga sa panunuod ni Inno ay naiilang ako at peke ang ngiti na nagawa ko.

"Ano ba 'yan, ang ganda na sana kaso panira 'yung smile mo, Li. Para kang natatae. Fierce nalang! Ipungay mo 'yung mata mo na para kang nang-aakit."

Natawa ako pero sinunod ko rin s'ya. May pose pa na pina side view ako ni Daisy at pinataas n'ya ang mga kamay ko at pinahawakan ang buhok ko. Mayroon pa na pinaluhod n'ya ako sa buhangin tapos ay pinahiga. Kung anu-ano na akala ko ay mukha akong tanga pero nang tignan ko ang mga litratong kuha n'ya ay natuwa ako sa sobrang ganda ng mga ito.

"Wow! Ang galing mo talaga, Daisy!" puri ko sa kaibigan. Tapos ay hindi ko na ito inabala dahil si Arah naman ang kukuhaan.

Naglakad ako para puntahan si Veron na nakaupo sa isang lounger na katabi ng inuupuan nila Inno at Timothy na ngayon ay parehong busy sa cellphone nila. Hmm, ano kayang ginagawa ni Inno sa cellphone n'ya?

"Dali na p're."
"Huy, 'wag ka manulak."

Nilingon ko ang tatlong lalaki na biglang sumulpot sa gilid ko. Nahihiyang lumapit sa akin ang isa sa kanila. Nakayuko ito at hinihimas ang batok n'ya.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon