KABANATA 10Kinabukasan ay halos tanghali na akong nagising. Mabuti nalang ay day off ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung may mensahe na ba si Inno pero wala pa. Mukhang tulog pa ito.
Nang mag-check ako ng Facebook ay may mga mensahe sa group chat naming magkakaibigan. Tinignan ko pa ang iba at nakita ko na may bago akong mensahe galing kay Inna, kapatid ni Inno.
Inna Mikayla:
Ateeee I'm going home today! Let's have dinner at home later, please? Miss na miss na kita. 😘Napangiti ako sa mensaheng 'yon ni Inna. Siguro ay hindi na ito busy sa school n'ya kaya nakauwi na ito ulit dito sa Tagaytay. Nag-aaral kasi si Inna ng pagdodoktor sa De La Salle University Dasmariñas kaya minsan lang ito makauwi dahil tutok sa pag-aaral at mahirap ang kurso.
Nireplyan ko si Inna na makakarating ako. Tapos no'n ay nagpadala ako ng mensahe kay Inno na gising na ako. Pero hindi ko sinabi sa kan'ya na pupunta ako sa kanila. Balak ko na isorpresa ito.
Naghanda ako ng susuotin. Sinabi ko na rin kay mama ang imbitasyon ni Inna sa akin at wala namang problema dito. Nang mag-gabi na ay pumunta na nga ako sa bahay nila. Sumalubong agad sa akin ang masayang si Inna. Niyakap ako nito ng mahigpit at niyakap ko rin ito pabalik.
Si Inna ay matagal ko nang kilala kahit no'ng hindi pa ako sekretarya ni Mayora. Nabuo ang pagkakaibigan namin nu'ng magpahanap si Mayora sa tita ko ng pwedeng magturong maggitara kay Inna at ako ang kinuha ni tita. 13 years old palang si Inna no'n at ako naman ay 16. Nu'ng una, napaka mahiyain ni Inna at halos hindi ito palasalita. Tahimik at tatango lang. Napansin ko rin na malungkutin ito. Pero ilang linggo lang ay nahawa na ito ng kulit at daldal sa akin kaya tuwang-tuwa si Mayora.
"Na-miss kita ate! Gumaganda ka lalo!" sabi nito at natawa naman ako.
Naroon din ang matalik na kaibigan ni Inna nu'ng high school s'ya na si Shantel. Binati ko din ito dahil naging ka-close ko na rin ito dahil kay Inna.
Habang nagkukwentuhan kami sa sala ay biglang bumaba ang nakasimangot na si Inno. Nakatingin ito sa cellphone n'ya iritadong nagtatype ng kung ano.
Napangiti ako. Kanina ko pa kasi s'ya hindi nirereplyan. Hindi ko rin sinasagot ang nga tawag n'ya. Ang cute cute naman ng boyfriend ko mainis! Hayyyy. Ang sarap naman ng may boyfriend na tapos si Inno pa!
"Kuya!"
Iritadong bumaling si Inno sa amin nang tawagin ito ng kapatid. Nagtawanan kami at nawala ang kunot ng noo ni Inno nang makita ako.
"Mag-hi ka naman sa mga bisita ko. Si Shan at Ate Lia."
Tumango lang ang walang reaksyong si Inno at dumiretso na sa kusina. Natawa na lang si Inna at hindi na pinansin pa ang kuya.
"Suplado 'yan, hayaan n'yo s'ya." tawa ni Inna. "Ay, nakasama mo na s'ya diba ate? Kasi kinuwento ni mommy na ikaw ang naghanda ng party n'ya dito nu'ng nakaraan tapos sumama daw kayo nila Ate Arah, Veron, at Daisy kina kuya sa Batangas."
Tumango ako bilang sagot.
Ngumuso ito. "Sayang at hindi ako nakauwi. Sobrang busy kasi!"
"Ang guwapo talaga ng kuya mo, beshie." sabi ni Shantel habang kinikilig.
"Hoy!" kinurot ni Inna ang kaibigan. "May girlfriend na daw 'yan sabi ni mommy."
"Ay? Sabagay. Taga Manila s'ya diba? I'm sure nga at may girlfriend na 'yan dahil maraming maganda sa Manila, diba ate Lia?" sabi ni Shantel at nilingon nila akong pareho ni Inna.
Ngumiti nalang ako at tumango.
"Pero sabi ni mommy nandito daw ang girlfriend ni kuya eh. Kasi dapat 3 days lang si kuya dito pero biglang nag-extend ng one month!"
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️