KABANATA 28

11.6K 211 11
                                    


KABANATA 28

Nagising ako na masakit ang ulo. Napabalikwas ako kaagad dahil naalala ko agad ang mga nangyari kagabi. Shit!

Hinanap agad ng mata ko kung may katabi ba ako sa kama pero wala. Nakita ko si Inno na nakaupong natutulog sa sofa. Nakasandong puti lamang ito. Nagbuntong-hininga ako.

Dahan-dahan akong umalis ng kama. Doon ko lang napansin na suot ko pala ang polo na suot n'ya kahapon. Iyon lang at wala nang iba, lintik!

Inamoy ko ang polo n'ya. Napikit ako sa bango. Sarap amuyin!

"Hey."

Napadilat ako at nanginig ang balikat ko sa gulat sa kan'ya. Tumayo ito at akmang lalapit sa akin, humakbang ako patalikod hanggang sa tumama na ang binti ko sa kama.

Napahinto s'ya nang makita na umatras ako at nagbuntong-hinga.

"U-uuwi na ako, Inno. N-nasan 'yung mga damit ko?" kinagat ko ang labi ko at pilit hinihila ang polo n'ya pababa dahil wala akong suot na salawal!

"Sit first, Ahlia."

Agad akong umupo at sumunod sa kan'ya. Lumapit ito sa akin at umupo rin sa kama. Mga dalawang dangkal ang layo namin sa isa't isa.

"Let's eat first?" malumanay na sabi nito.

Umiling ako, "'Di naman ako gutom."

Syempre hindi totoo kasi gutom na talaga ako at gusto ko ng sinangag, tuyo, at pritong itlog!

Nagbuntong-hininga s'ya ulit. "Alam kong galit ka pa. Sorry. I'll give you time, Ahlia. Alam kong sobrang kulit ko na at pinipilit ko na masyado ang sarili ko sa'yo. But now, I'm ready to give you time. Just know that I'm waiting."

Pagkatapos kong magbihis ay agad kaming umalis ng resort. Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko at bakit hinayaan nila ako kay Inno kagabi? Lintik! Pati si Caden, mukhang mas na-enjoy pa na wala nang asungot na manenermon sa kan'ya!

Sa byahe ay dumaan s'ya sa drive thru ng Mcdo. Umorder s'ya ng burger, fries, at drinks. Hindi ko na tinanggihan at hindi na ako nag-inarte kasi gutom na rin talaga ako!

Masarap ang kain ko nang mapansin ko na s'ya ay medyo hirap dahil nagmamaneho s'ya. Napanguso ako at sinubuan s'ya ng fries.

"Thank you. Can you help me with the burger, too?"

Napairap ako. Wow! Demanding! Pero libre n'ya naman ito kaya hayaan na nga.

"Sarap 'pag galing sa'yo." sabi n'ya nang maubos ang burger.

Umirap ako kaya natawa s'ya.

"Tss. Malandi." bulong ko na narinig n'ya kaya nawala ng ngiti n'ya.

"Sayo lang naman ako ganito, Ahlia." seryoso n'yang sabi.

"Sayo lang naman ako ganito, Ahlia." panggagaya ko sa kan'ya sabay irap.

Nagbuntong-hininga s'ya. Halatang naaasar na. "Pakasalan kita d'yan."

Nanlisik ang mata ko sa kan'ya. Pinipilit itago ang kilig. Punyeta naman, Ahlia eh! Kilig ka agad?

Nanahimik nalang ako sa byahe. Hanggang sa makauwi kami ay hindi ko na s'ya pinansin. Nagpasalamat nalang ako nang maihatid na n'ya ako sa bahay. Nakiusap din ako na 'wag na s'yang bumaba dahil ayaw kong makita s'ya ni mama at isipin na magkasama kami magdamag.

Ilang araw ang lumipas at si Tim ay muli akong kinausap tungkol sa alok n'yang trabaho. Sinabi na rin n'ya sa akin na sa kan'ya daw ako magttrabaho at hindi kay Inno kaya hindi ko daw dapat alalahanin pa si Inno.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon