KABANATA 23Nang makarating ako sa Dubai ay agad kong binura ang lahat ng aking mga social media accounts. Gumawa lang ako ng bagong Facebook Messenger na walang profile picture at iniba ko ang pangalan para walang ibang makaalam na ako iyon bukod kina mama at sa mga kaibigan ko.
Maganda dito sa Dubai. Moderno, maraming pasyalan at minsan simpleng kalye lang o 'di kaya ay mall, pero Instagrammable na agad kapag nag-picture ka. Sa weather naman, kapag summer, abot kasingit-singitan ang init pero kapag naman winter, nginig sa sobrang lamig.
Hindi ako nahirapan mag-adjust agad noong unang mga buwan ng dating ko dahil marami din talagang Filipino food na tinda sa mga groceries. Halos matriple nga lang ang presyo. Pero dito ay ayos lang sa kanila dahil mataas din naman ang rate ng sahod.
Sobrang dami na ding Pinoy kaya kapag lumalakad kami ni tita sa labas, minsan, pakiramdam ko nasa Pilipinas pa rin ako. Ang tawag namin sa isa't isa dito ay 'Kabayan'. Kahit ibang lahi, Kabayan na din ang tawag sa amin dahil nga iyon na ang nakasanayan. Nakakatuwa nga kapag sasabihin nila 'yon ng may accent.
Mga unang ilang linggo ko sa Dubai, palaging sinasabi ni Arah na kinukulit s'ya ni Inno. Si mama ay nagsabi rin na nagpunta si Inno sa bahay pero sinabi n'ya lang daw na nangibang bansa na ako. Umalis na daw ito agad. Naawa daw si mama sa itsura ni Inno noon kaya muntik na raw n'yang sabihing nasa Dubai ako pero pinigilan n'ya.
Noong una, aminado ako, inaasam-asam ko ang mga kuwento nila tungkol kay Inno. Parang nabubuhayan ang puso ko kapag sinasabi nila sa akin na naghahabol si Inno. Pero kapag pumapasok ulit sa isip ko ang mga panloloko na ginawa n'ya, sinasampal ako ng katotohanan na tama na. Hindi na maganda. Malayo ka na nga pero heto, isa ka parin talagang tanga.
Kaya sa huli, sinabihan ko sila na huwag na akong babalitaan pa ulit ng kahit ano tungkol sa kan'ya para mas makatulong sa aking makalimot.
Ngayon, isang buwan nalang at pauwi na kami. Sa totoo lang ay hindi ko pa sana balak. Gusto ko pa sanang i-extend para mas malaki ang maipon ko. Ang kaso, nitong nakaraang buwan, may espesyal na inanunsyo si Daisy.
"Eto na si Ahlia!" sigaw ni Veron sa kabilang linya. Naglapitan sina Arah at Daisy sa kan'ya kaya nakita ko na rin sila sa screen.
"We miss you, Li!" si Arah at kumakaway pa.
"Miss na miss ko na rin kayo." Nagflying kiss pa ako.
"Ahlia, umuwi ka na! Ikakasal na ako!" sigaw ni Daisy sabay tawa at pakita ng singsing.
Nanlaki ang mata ko. "Hala, weh? Gago?" gulat na gulat ako kaya mas nilapit ko pa ang mukha ko sa laptop para kumpirmahin ang nasa daliri ni Daisy na nakatutok sa camera.
"Gago ka rin, oo nga!" natatawang sabi ulit ni Daisy at inalis na ang kamay.
Napatakip ako ng bibig sa gulat.
"Oh, diba, tama ako nu'ng high school tayo. Kung sinong kunwari ay konti ang crush, s'ya pang unang papasakal!" si Arah sabay himas sa ulo ni Daisy.
Si Daisy at si Tj ay nagkatuluyan. Sobrang ikinagulat ng lahat iyon nang umamin si Daisy sa'min. Mula palang pala no'ng naganap na outing sa Batangas, hindi na s'ya tinigilan ni Tj sa kakamessage sa kan'ya. Akalain mo nga naman ano? Kaming tatlo nina Arah at Veron iyong naglandi, pero sa huli, si Daisy na walang ginawang effort ang nagwagi. Kabogera.
"Umuwi ka na nga. Dali na. Sa September na ang kasal. Ikaw ang kakanta!" pilit ni Daisy.
Napangiwi ako. "Hala, Daisy, December kasi ang usapan namin ni tita."
Umirap si Daisy. "Ano ba naman 'yan, Ahlia, two years ka na r'yan! Ako ang unang ikakasal sa atin tapos wala ka? Nakakatampo. Kailangan ba talaga sabay pa kayo ni tita? Edi sabihin mo, mauuna ka. Kakainis ka naman. Nasa tita mo ba ang paa mo at hindi ka makauwi mag-isa?"
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️