KABANATA 16Nilapitan ako ng lalaki at sinalubong ako nito ng yakap. Dahil sa pag-aakalang si Inno s'ya ay yumakap naman ako pabalik. Pero naestatwa ako bigla dahil sa hindi pamilyar na pakiramdam.
Hindi ito si Inno. Hindi ganito ang amoy ni Inno at hindi ganito ang katawan n'ya.
Tiningala ko ang lalaki para kumpirmahin ang hinala ko at nagulat ako nang makita ko nga ang mukha ni Pert. Agad ko itong tinulak ng sobrang lakas at sa kaba ko ay tumakbo na ako palayo.
Nanginginig akong sumandal sa isang pader 'di kalayuan sa mesa namin. Kinalma ko ang sarili ko at nagtagal doon ng ilang segundo bago ako bumalik nang tuluyan sa mesa namin.
Nagpanggap ako na parang walang nangyari. Wala namang ibang tao doon at alam kong wala namang nakakita sa amin. Mas mabuti nang ganito kesa magkagulo pa.
Bumalik si Pert sa mesa pero hindi na bumalik pa si Kent. Nagpatuloy sa kwentuhan at inuman pero hindi na ako uminom ulit. Antok na antok na ako sa totoo lang at sumakit ang ulo ko dahil sa nangyari kanina.
Sinundo nga ako ni Inno matapos ang gabing 'yon. Mukha s'yang pagod sa ginawa kaya naawa ako. Lalo na kapag naiisip ko ang nangyari kanina. Dalawang lalaki ang nakayakap sa'kin. Nanghina ako at agad nakaramdam ng kunsensya. Pero pinilit kong kalimutan nalang ang lahat dahil ayokong lumaki pa 'yon at may hindi magandang maisip ang iba sa akin dahil doon.
"Inno, okay lang ba na sa villa tayo dumiretso?"
Nagulat ito sa sinabi ko. Hindi ito agad tumango. Tila tinitimbang ang ekspresyon ko.
Ngumiti ako. "Please, Inno?"
Nilapit nito ang mukha n'ya sa akin at pinatakan ako ng isang malambing na halik sa labi. Lalo akong napangiti.
Dinala nga ako ni Inno sa villa. Pagdating doon ay naligo naman ako agad. Gusto kong burahin sa alaala at sa katawan ko ang kung ano mang bakas ng mga nangyaring kamalian kanina. At ibabaon ko na lahat sa limot.
Pagkatapos maligo ay suot ko ang isa sa mga extrang t-shirts ni Inno na nasa kotse n'ya. Malaki iyon at nagmukhang malaking dress sa akin. Iyon lang ang suot ko at wala nang iba. Nag-init ang mukha ko. Magtatabi kami ni Inno ngayon at ito lang ang suot ko. Lasing na nga yata ako para magkaroon ng ganitong klaseng tapang.
Paglabas ko mula sa bathroom ay nakaupo si Inno sa dulo ng kama. Agad itong tumingin sa akin, mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha ko. Ngumiti ako dito at agad akong lumapit sa kan'ya. Tumayo naman ito para salubungin ako ng yakap.
Dinama ko iyon na parang iyon nalang ang pinaka mahalagang bagay sa mundo. Ito. Ito lang ang lalaking nararapat na yumakap sa katawan ko, wala nang iba. Sinisigurado kong hindi na mauulit ang katangahan na nagawa ko kanina.
"Bad tril." sabi nito nang kumalas s'ya sa yakap.
"Bakit?"
"Hinabol ako ng trabaho hanggang dito, hindi tuloy ako nakapagtagal doon at hindi kita nabantayan. Naroon pa naman 'yung manliligaw mo." mariin itong tumingin sa akin.
Kinabahan ako sa pagbanggit n'ya kay Pert pero hindi ako nagpahalata. "Ano ka ba, Inno. Alam mo naman na 'di mo dapat problemahin pa 'yan." sabi ko dito at umiwas na para hindi nito mahalata ang kaba ko.
Bumalik ako sa banyo at kinuha ko ang blower. Sinimulan kong tuyuin ang buhok ko habang pilit kinakalma ang kumakalabog kong puso. Sinundan naman ako nito at inagaw nito ang blower sa akin para s'ya na ang magtuloy ng pagtuyo ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️