KABANATA 4Alas dos ng hapon nang sunduin ako nina Inno sa bahay. Dahil suma total ay 9 kami, dalawang kotse ang dinala nila, isang SUV at isang Sedan. Sa SUV ay bumaba si Inno at ito ang sumalubong sa akin. Nakasuot lamang s'ya ng isang simpleng shorts, t-shirt at tsinelas pero naghuhumiyaw pa rin ang karangyaan. Naka sunglasses pa kaya nagmukhang artista. Galing.
Ngumiti ako ng matamis sa kan'ya pero tumango lamang ito bilang sagot. Sungit naman. Naisip ko tuloy na baka napangitan ito sa suot ko. Naka high waist denim shorts at isang cropped white shirt lang kasi ako. Hindi naman kasi ako marunong pumorma ng maganda. Mukha siguro akong bibili lang ng patis sa kanto? Sana pala nagpatulong ako kay Arah. Hays!
Sa loob ng SUV ay naroon mag-isa si Timothy. Nakaupo ito sa pinaka dulo, bandang bintana. Nagbatian kami nito nang makapasok ako tapos ay umupo ako sa pangalawang helera. Nang sumakay si Inno ay nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Akala ko kasi tatabi ito sa mga nasa likod n'yang kaibigan dahil may isa pa namang upuan doon. Pagtabi nito sa akin ay tinanggal nito ang salamin n'ya at agad akong binalingan.
"Ahlia, 'nak, saan nakatira ang sunod nating susunduin?"
Tinuro ko kay Mang Temyong ang daan papunta kina Daisy. Matapos namin mag-usap ay napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Inno at seryoso na naman ang mukha.
"Baka naman matunaw 'yan, 'tol." asar ni Timothy kay Inno. Ngumisi lang si Inno at hindi ito sinagot. Tapos ay inalis na nito ang tingin sa akin at bumaling nalang sa harap. Ako naman ay talagang kinilig na pero hindi ko pinahalata.
Nang masundo si Daisy ay du'n naman ito pumwesto sa unahang hilera. Medyo nagulat pa nang makitang magkatabi kami ni Inno sa upuan pero hindi naman ito nag-react. Sunod ay si Veron na tumabi naman kay Daisy. Nagulat din s'ya nang makitang magkatabi kami ni Inno at nagpigil agad ng ngiti.
Nang makaupo s'ya ay nilingon n'ya ako kaagad. "Li, hindi naman masakit? Baka naapakan ko? Masyadong mahaba eh." seryosong sabi nito pero dahil kilala ko s'ya ay alam kong nagpipigil s'ya ng tawa.
Nanlaki ang mata ko at napalingon ako Inno na kunot naman ang noo habang nakatingin kay Veron. Halatang naguguluhan. Sinilip pa n'ya ang paa ko para siguro tignan kung iyon ang tinutukoy ni Veron na naapakan n'ya pero nang makita n'ya na hindi naman ay muli s'yang tumingin sa akin na tila nagtataka.
Pinanlakihan ko lang si Veron ng mata bilang babala at saka nginitian si Inno habang umiiling.
"What does she mean? Are you in pain?" bulong nito. Umiling naman ako kaagad.
"Nagbibiro lang s'ya. Huwag mo nalang pansinin, please?" nahihiya kong alibi at saka tumingin nalang sa bintana.
Nang si Arah na ang nasundo ay aalis sana si Inno para tumabi kay Timothy at ibigay sa kan'ya ang upuan sa tabi ko pero pinigilan s'ya ni Arah.
"Inno, 'wag ka na umalis d'yan para hindi ka na maabala! Ako na sa likod." pasimpleng sabi ni nito. Mabilis itong umakyat at dire-diretso sa tabi ng bet nitong si Timothy.
"Patabi, okay lang?" narinig kong sabi nito kay Tim. Nag-oo naman ito sa kan'ya. Napangiti nalang ako dahil sa galing pumaraan ni Arah. At syempre, natuwa din ako dahil makakatabi ko sa buong byahe si Inno at bonus pa na malalanghap ko na naman ang bango n'ya.
Sa Laiya, San Juan, Batangas matatagpuan ang beach resort na napili nila Inno na puntahan. Mahigit dalawang oras ang byahe kaya nagsitulugan kami. Nung una ay sa salamin ako sumasandal pero nagulat ako nang kuhain ni Inno ang ulo ko at ilagay ito sa balikat n'ya. Dahil doon ay nakatulog ako ng maayos at kinikilig pa!
Nagising nalang kami nang makarating na kami sa beach resort. At wala talaga akong masabi sa sobrang ganda nito. May infinity pool pa, at sa baba nito ay ang dagat. Grabe.
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️