KABANATA 2Sinubukan kong magprotesta sa gustong mangyari ni Sir Inno pero hindi ko nabago ang isip nito. Sabayan pa ng mga kaibigan kong ang lakas gumatong.
"Naku, salamat, sir. Actually natatakot ako umangkas kay Lia kasi kaskasera 'yan." si Veron na dali-daling sumakay sa kotse at naglagay ng seatbelt.
Tinitigan ko ito ng masama. "Hoy, Veron, sinunga—"
"I'll drive." bumaling ako kay Sir Inno na nakalahad ang mga kamay para sa susi.
"Ay, sir, kung kayo po ang magmamaneho, make sure nakakapit ng maayos si Lia sa inyo kasi po lampa 'yan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Arah at inis ko itong binalingan.
"Hoy, sinong lampa? Lika dito, suntukan tayo!"
Dinilaan lang ako nito at pinatakbo na ang kotse. Naiwan akong masama ang titig sa kanila.
"Ayos na 'yan, Lia. Hindi rin maganda na ikaw pa ang magmaneho dahil baka kumapal na ang hamog at gabi na."
Sabagay. Tumango ako kay Mang Temyong at nagpaalam na ito na babalik na s'ya sa pinagparadahan nito ng kotse para antayin ang mekaniko.
"Let's go, Ahlia."
Nakasakay na sa motor si Sir Inno at inaantay na ako nitong umangkas sa likod n'ya. Dali-dali akong sumampa at sumalubong sa akin ang mabango at nakakaadik nitong amoy. Agad din akong nahumaling sa maganda at napakalinis nitong batok. Ako lang ba? Ako lang ba ang naaakit sa malinis na batok ng lalaki?
"Your hands, Ahlia." sabi nito sa akin nang i-start nito ang motor. Nagtataka akong napatingin sa mga kamay ko.
"P-po?" taka kong tanong. Para namang nawalan ito ng pasensya at s'ya na ang kumuha ng mga kamay ko para iyakap sa baywang n'ya. Kumalabog ang dibdib ko.
"Luh, 'wag na, sir. Hindi naman talaga ako lampa." sabi ko sabay alis ng kamay. Pero binalik n'ya ito ulit.
"'Wag kang makulit." supladong sabi nito. Hinayaan ko nalang dahil sa totoo lang ay gusto ko din naman dahil kapag lumalapit ako sa kan'ya ay mas naaamoy ko ang bango n'ya.
Tila byaheng langit ang natamasa ko sa likod ni Sir Inno. Ang bangu-bango n'ya talaga, grabe! Taimtim kong pinagdasal na sana ay kumapit ang amoy n'ya sa'kin. Kaso medyo mabilis itong magpatakbo kaya mabilis din kaming nakarating sa bahay nila. Naunahan namin ang sasakyan nina Arah.
"Thank you, sir." sabi ko nang makababa. Saglit itong tumingin sa'kin ngunit biglang tumagos ang titig nito sa likod ko. Nilingon ko naman ang tinitignan n'ya at nakita ko si Pert na papalapit sa'ming dalawa. Sa 'di kalayuan ay kita naman ang pinanggalingan ni Pert na mga kaibigan nitong nakatambay at nagyoyosi.
"Uy, Pert. Salamat sa pagpapahiram." ngiti ko dito. Kinuha ko kay Sir Inno ang susi at inabot kay Pert ito. "Nga pala, ito si Sir Inno, Pert, anak ni Mayora."
Tinitigan ni Pert si Sir Inno at tinanguan ito. "Magandang hapon, boss." bati ni Pert kay Sir Inno. Tumango naman si Sir Inno sa kan'ya.
"Uh, sir, kung gusto n'yo po, pasok na kayo. Ako na po ang mag-iintay sa mga bisita n'yo para po makita n'yo na si Mayora."

BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️