KABANATA 19

11.6K 164 13
                                    


KABANATA 19

Tahimik ako nang makabalik kami sa booth namin. Pinisil ni Inno ang kamay kong hawak n'ya kaya nilingon ko s'ya. Mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin, tila inaalam kung anong nasa isip ko.

"Are you okay? Did something happen when you're inside the toilet with her?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako at piniling 'wag nalang munang itanong ang tungkol sa pagiging magkatrabaho nila dahil ayokong sirain ang gabi namin.

Hinawakan n'ya ang pisngi ko at pinatakan ako nito ng isang malambot na halik sa labi. "You don't have to worry about her, or anyone, Ahlia."

Bumalik ang tatlo kong kaibigan sa mesa namin. Nagtatawanan ang mga ito.

"May afam na sumayaw sa'kin, 'te! Kinuha pa 'yung number ko." bulong sa akin ni Arah at saka tumawa.

Napansin ko na si Tj at Daisy naman ay mukhang nagkapalagayan ng loob at nagtatawanan sa isang gilid. Medyo nagulat ako doon dahil talagang hindi madaling makuha ang loob ni Daisy.

"Body shot, Inno at Ahlia!!!" sigaw ni Veron na halatang medyo may tama na. Nagdatingan kasi ang mga orders nilang shots ng tequila.

Nahiya ako at umiling pero sinundan si Veron ng iba hanggang sa lahat na sila ay kinakantsawan kami.

Tumawa si Inno at tumingin sa'kin na parang nagtatanong kung okay lang ba. Bago pa ako makasagot ay tinagilid na ni Arah ang ulo ko at nilagayan ng asin ang leeg ko. Lintik!

Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Inno na ngayon ay kumuha na ng shots ng tequila. Dalawa pa iyon. Mabilis n'yang nilagok ng magkasunod at saka ito lumapit sa leeg ko. Dahan-dahan nitong dinilaan ang asin doon. Tapos ay bahagya n'yang sinipsip at kinagat ng mahina ang parte ng leeg ko na 'yon.

Nakiliti ako. Nagtaasan ang balahibo ko. Ang lahat ay tumili at nag-cheer sa nangyari. Si Inno naman ay natatawa nalang at saka muling pinulupot ang kamay n'ya sa aking bewang.

Sinunod-sunod na nila ang body shots. Kabilang sa gumawa no'n ay sina Arah at Timothy, Veron at Riley, tapos ay si Daisy at Tj. Tawang-tawa kami. Pero habang nasa gitna ng kasiyahan, napukaw ng DJ ang atensyon naming lahat.

"Yo, yo, I got a request from my good beautiful friend, Charm! She wants to greet her boyfriend a massive Happy Birthday! Happy Birthday Inno, brother!"

Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan para kay Inno. Tapos ay lumabas si Charm sa isang gilid na may dalang cake. Sa likod nito ay iba pang mga babae na tingin ko ay mga kaibigan n'ya.

Nahilaw ang ngiti ko. Napalunok ako at hindi makapaniwala sa lakas ng loob n'ya. Nanatili ang tingin ni Inno sa akin. Hindi nito nililingon si Charm na ngayon ay nakaupo na sa tabi n'ya.

"Blow the candle, Inno." narinig kong sabi ni Charm. Tinignan ko ito at nakangiti ito na tila nang-aasar.

Muli kong tinignan si Inno, mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Tinanguan ko s'ya at nginuso ko ang cake n'ya.

Nagbuntong-hinga si Inno. Habang nananatiling nakakapit sa bewang ko ang isang kamay n'ya ay mabilis n'yang nilingon si Charm at hinipan ang kandila mula sa cake na dala nito. Tapos ay bumaling ulit ito sa akin.

Naghiyawan ulit ang mga tao sa paligid. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay masamang-masama na ang titig kay Charm. Nilapag ni Charm ang cake sa mesa at pagkaraay tumayo at umalis na kasama ang mga kaibigan n'ya.

Humingi ng tawad si Inno sa akin. Hindi n'ya daw alam na may gano'ng gagawin si Charm. Sinabi ko sa kan'ya na hindi n'ya kasalanan at wala na iyon sa akin. Inalis ko nalang din iyon sa isip ko dahil ang mahalaga ay hindi naman s'ya pinansin ni Inno. Kahit ano pang panlalandi ang gawin n'ya, basta hindi s'ya pansinin ni Inno ay ayos lang sa akin.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon