KABANATA 30

12K 198 14
                                    


KABANATA 30

Nakasuot ng isang dark green off-shoulder fitted dress si Charm. Hubog na hubog ang maganda n'yang katawan at nakalugay ang mahaba at kulay brown nitong tuwid na buhok.

"Ay, hello po, Engr. Fuego. Nice to see you again." bati ni Darlene sa kan'ya. Halatang kilalang-kilala na s'ya nito. Hindi ko nakita ang reaksyon n'ya dahil abala ako na magtype kunwari ng kung anu-ano sa keyboard ko para nga hindi n'ya ako makita.

"Hello, Darlene. Busy si Inno?"

"May kausap po sa telepono. Kakatransfer ko lang ng call sa kan'ya ngayun-ngayon lang."

"Ah, okay. No worries. Pasok na 'ko."

Ngayon ay hindi ko na napigilang mapatingin sa kan'ya. Dire-diretso itong pumasok sa opisina ni Inno. Si Darlene ay hilaw ang ngiti sa akin. Nginitian ko ito pabalik at agad akong tumayo para pumasok sa opisina ni Timothy.

"Yes, Ahlia, why?" takang-takang tanong ni Tim dahil sa biglaang pagpasok ko.

"Baka lang ano, may naisip ka pang ipagawa." Pagsisinungaling ko at saka umupo sa harap n'ya.

"Wala naman. If you're done with everything for today, pwede ka na umuwi. Makauwi ka manlang ng maaga kahit minsan." ngumiti ito.

Madalas kasi kaming nalelate ng uwing dalawa dahil sa dami ng pinapagawa n'ya.

"Gano'n ba, eh, ano, kamusta na kayo ni Arah?"

Kumunot ang noo n'ya sa tanong ko at nawala ang ngiti n'ya sa labi.

"B–bakit? Kinukwento n'ya ba ako sa'yo?" Ngayon ay nakuha ko na talaga ang atensyon n'ya. Hala, sorry, Tim!

"Oo! Madalas ka ngang kamustahin. Okay na ba kayo? Nagkikita ba kayo?" pagsisinungaling ko ulit. Kahit ang totoo ay wala naman na talagang paki si Arah sa kan'ya. Sorry talaga, Tim!

Umiling s'ya at tila nalungkot. "Hindi naman n'ya 'ko pinapansin." bumuntong-hininga pa ito. Nakonsensya agad ako.

"G–gano'n? Baka nagpapabebe lang 'yon." pagpapatuloy ko sa binuksan kong usapan. Pinakita ko pa sa kan'ya na talaga interesado ako sa isasagot n'ya.

"Hind–" Natigilan si Tim nang biglang bumukas ang pinto.

"Bad trip si Inno, pinalayas na naman ak—ay, busy kayo?"

Si Charm! Naestatwa ako at hindi lumingon. Pabalik-balik ang tingin ni Tim sa akin at kay Charm. Si Charm naman ay mukhang hindi ako nakilala dahil naka-bun ang buhok ko ngayon.

Nagmamakaawa ang mukha ko kay Tim. Hindi ko alam if na-gets n'ya ba pero sana ay oo.

"Busy kami, Charm. Labas ka muna." sabi nito kay Charm nakapagpahing sa akin ng maluwag.

"Grabe. Lahat nalang talaga pinagtatabuyan ako? Sige, sa pantry muna ako, may food ba kayo do'n? I'm hungry."

Tumango si Tim. Naramdaman ko ang paglabas ni Charm pero ilang saglit lang, si Inno naman ang pumasok sa opisina ni Timothy.

"Hey," sabi nito sa akin. Hindi ko ito nilingon. Binigyan ko ulit ng nagmamakaawang tingin si Tim na nagpapahiwatig na paalisin din n'ya si Inno.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon