KABANATA 17

13.4K 178 25
                                        


KABANATA 17

Nang bumalik ako sa mesa ay maganda ang ngiti ni Inno sa akin. "Is your dad coming?" tanong nito nang makaupo na ulit ako sa tabi n'ya.

"Hindi daw kaya ng oras n'ya." pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo, kanina pa naman talaga nagpadala ng mensahe ang papa ko na hindi na s'ya makakapunta. Dinahilan ko lang na tatawagan ko s'ya para makita ko ang cellphone ni Inno.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko.

Biglang kinuha nito ang kamay ko at hinalikan n'ya ito ng paulit-ulit. "Hey, don't be sad. I'll meet him on Christmas for sure." sabi nito habang hinahalikan parin ang kamay ko.

"Bastusan talaga, dito pa sa harap naming mga single." biglang sabi ni Veron na nagpatawa sa lahat maliban sa'kin. Napansin iyon ni Inno kaya pinisil nito ang kamay ko. Umiling naman ako at pilit na ngumiti.

"Sila, in love. Tayo, busog. 'Di naman po masakit." gumatong naman si Arah sabay subo ng kinakain nitong letson.

Sana nga... sana nga in love kami at hindi ako lang. Lintik! Kapag totoong niloloko ako ni Inno, 'di ko yata alam ang gagawin ko.

Buong gabi ng kasiyahan ay matamlay ako. Inakala ni Inno na dahil kay papa 'yon kaya todo alaga ito sa akin.

Pag-uwi ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang natuklasan. Bakit kaya may Charm pa rin? Dahil ba hindi ko maibigay kay Inno ang pangangailangan n'ya? Ang nakasanayan n'ya? Kaya kay Charm n'ya kinukuha iyon?

Sa huli, dahil sa nararamdaman ko para kay Inno, pinili kong magtiwala sa kan'ya.

Tanghali ng Pasko ay dumating sa bahay namin si Inno. May dala itong bulaklak para samin ni mama at isang bote ng mamahaling wine. Nakilala na n'ya ang papa ko at maayos naman ang pakikitungo nito sa kan'ya. Habang si mama naman ay grabe ang pag-aalaga kay Inno, halatang gustong-gusto n'ya ito.

Nang mag-gabi, kasama ko naman ang pamilya ni Inno para sa isang dinner. Nasa isang restaurant naman kami. Tuwang-tuwa si Mayora at Inna dahil ako lang daw pala ang magpapauwi kay Inno sa Tagaytay for Christmas. Palagi daw kasing sila ang pumupunta sa kan'ya.

Pagkatapos ng dinner kasama ang pamilya ni Inno ay niyaya ko s'ya sa villa. Bukas kasi, babalik na s'ya ng Manila. Kay Charm. Kaya humiling ako ng dalawang oras na kami lang ang magkasama. Plano ko kasi na ngayong gabi ko na ibibigay ang gusto ni Inno. Para sa pagbabalik n'ya ng Manila bukas, ako nalang ang nasa isip n'ya at ang mga gagawin namin. Para kahit akitin s'ya ni Charm doon ay ako parin ang pipiliin n'ya.

Ang gaga lang 'no? Sobrang tanga.

Ngunit masakit man isipin, kahit mali at katangahan ito sa paningin ng ibang tao, para sa akin, ito ay pagmamahal.

Pagmamahal ang tanggapin ko lahat ng kamalian ni Inno. Pagmamahal na ibigay ko ang kahit anong kailangan n'ya. Pagmamahal na kahit masakit at mahirap sa akin, basta masaya si Inno ay gagawin ko para sa kan'ya.

Halik agad ang sinalubong ko kay Inno pagpasok na pagpasok namin sa pinto. Bahagya itong nagulat sa ginawa ko pero nang makabawi ay gumanti ito ng mas mainit na halik. Pinaramdam ko sa mga halik ko sa kan'ya na desidido na ako. Na ibibigay ko na.

Buhat ako ni Inno habang hinahalikan at dinala ako nito sa kwarto sa itaas. Nang ilapag n'ya ako sa kama ay mabilis n'yang hinubad ang pang-itaas n'yang damit. Hinubad ko rin naman ang bestida kong suot. Kinalimutan ko na ang hiya at desperada na akong ipakita kay Inno na kaya ko rin. Na hindi na n'ya kailangan ng iba. Na dapat ay sapat na ako para sa kan'ya.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon