KABANATA 24

11.7K 186 9
                                    


KABANATA 24

"H-hindi, ah! Anak ni Tita Lucia si Lucas!" natatarantang sabi ko pero hindi ako pinansin ni Inno.

Mas lumapit pa ito sa amin at saka ito lumuhod sa harap ni Lucas. Lalo akong naloka nang hawakan ni Lucas ang mukha ni Inno.

"Papa!" sabi ni Lucas habang nakangiti.

Hinawi ko ang kamay ni Lucas sa sobrang gulat. "Lucas, no! That's not your papa!"

Hindi ko napansin na medyo tumaas ang boses ko kaya biglang umiyak si Lucas sa sobrang gulat sa'kin.

"Shit."

Natatarantang kinuha ko si Lucas mula sa baby chair at agad itong dinala sa labas. Sobrang lakas kasi ng iyak n'ya at nabulahaw ang ibang guests.

"I'm sorry, baby. Mimi didn't mean to shout at you." sabi ko habang sinasayaw-sayaw ito.

Medyo tumahan naman s'ya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Papa!"

Nanlaki na naman ang mata ko sa sinabi ni Lucas. May itinuro pa ito at nang sundan ko ang kamay n'ya ay nakita ko si Inno na nakatayo malapit sa amin.

"Lucas, that's not your papa." mahinahon ko na ngayong sabi. Ngumuso lang ito sa akin.

Muli kong tinignan si Inno. Mapungay ang mga mata nitong nakatingin sa amin ni Lucas. Ngayon ko lang napansin na marami ang nagbago sa kan'ya. Mas lumaki ang katawan n'ya—ay, wow, talagang katawan agad ang napansin, Ahlia?

Napapikit nalang ako sa mga iniisip.

"Ahlia—"

"Hindi natin anak si Lucas, Inno." putol ko sa kan'ya. "Anak s'ya ni Tita Lucia. Hindi nagbunga ang..." hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil parang bigla akong nahiya.

Hindi ito nagsalita. Nanatili itong nakatingin sa amin ni Lucas.

"Sana tinanong mo nalang ako ng personal. Nalaman pa tuloy nilang may nangyari."

Nagbuntong-hininga s'ya. "Talaga bang hindi natin s'ya anak?"

Pumikit ako at nagbuntong-hininga din. "Edi sana kamukha mo s'ya, Inno. Hindi naman diba?"

Tumaas ang dalawang kilay n'ya. "But he looks exactly like you. Sabi nila kapag patay na patay ang lalaki sa babae, magiging kamukha ng babae ang anak."

Kumalabog ang taksil kong puso sa sinabi n'ya. Shit! Ano, kinikilig ka?

Kinagat ko ang labi ko. "Kulit mo."

Iiwan ko na sana s'ya pero bigla ako nitong hinawakan sa braso.

"Hala, kulit talaga. Hindi nga, promise. Edi sana umuwi na ako ng Pinas ulit. Bawal 'yun sa Dubai, diba?"

Nagbuntong-hininga s'ya na tila sumuko na.

"Mimi, s-cream?"

Bumalik ang atensyon ko kay Lucas na subo ang isa n'yang daliri.

"Oh, yes, baby we'll finish your ice cream." tinanggal ko ang kamay n'ya sa bibig at dahil wala akong panyo ay ipupunas ko nalang sana 'yon sa damit ko pero biglang nag-offer ng panyo si Inno.

"Papa." nakangiting sabi ulit ni Lucas dito.

Napapikit nalang ako sa sobrang hiya. Ano ba naman 'to si Lucas. Kada makakakita ng matangkad na lalaki, papa ng papa nakakaloka.

Pagdilat ko ay nakita kong nagpigil ng tawa si Inno. Tapos ay ito na ang nagpunas ng daliri ni Lucas. Hinayaan ko nalang.

Bumalik kami sa loob ng restau. Pagdating sa loob ay lumipat na sila ng mas malaking lamesa. Umupo ako kung saan nakatabi ang high-chair ni Lucas. Si Inno naman ay umupo sa harap ko.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon