KABANATA 34Pinunasan ko ang luha ko at pilit kinalma ang sarili ko.
Hindi ako maaaring ma-stress. Makakasama sa baby ko. Kalma, Ahlia, kalma.
Mabuti nalang at agad namang may dumating na jeep kaya nakasakay agad ako. Pag-uwi ko sa bahay ay agad din akong nakatulog sa pagod.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nang tignan ko ang cellphone ko ay maraming text at missed calls sa akin si Inno.
"Oh, morning, 'nak. Galing si Inno dito kagabi."
Naabutan ko si mama sa sala na umiinom ng kape at nanunuod ng news sa TV. Tinabihan ko ito. Gulat ang mukha.
"Pumunta s'ya, ma?" gulat na gulat kong tanong.
"Oo, hindi ka raw kasi nagrereply at sumasagot sa tawag. Sabi ko, 'ayon, tulog'. Pinapasok ko sa kuwarto mo. Nagtagal s'ya siguro ng mga sampung minuto. Tapos nagpaalam na."
Naantig ang puso ko sa sinabi ni mama. Biglang nangilid ang luha ko.
"Oh, bakit? Magkaaway ba kayo?"
Gulat si mama lalo na nang tumulo na nga ang mga luha ko. Agad ako nitong niyakap. Hinahagod nito ang likod ko.
"Shh, tahan na."
"Ma, buntis po ako."
Kumalas si mama sa yakap at ang mukha nito'y gulat na gulat. Nasapo n'ya ang noo n'ya at ilang beses na huminga ng malalim.
"Anak, hindi pa kayo kasal. Sana nag-ingat muna kayo." malumanay nitong sabi. Hinawakan n'ya ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. "Pero blessing 'yan, huwag kang umiyak. Nakikita ko naman na mahal na mahal ka ni Inno. Alam na ba n'ya?"
Mabilis akong umiling. "Balak ko pong isorpresa s'ya. At gusto ko rin kasi munang malaman po ang opinyon n'yo. Hindi po ba kayo galit?" humikbi ako. Nakita ko si mama na bahagyang natawa.
"Anak nasa edad ka na para magdesisyon sa buhay mo. Kung gusto mo na akong bigyan ng apo, masaya ako para sa'yo. Although, sana kapag napag-usapan n'yo na ni Inno 'yan, pag-usapan n'yo na rin sana ang kasal."
Tumango ako kay mama. Niyakap ko ito at paulit-ulit akong nagpasalamat.
"Ako ang dapat magpasalamat, anak. Dahil mula pagkabata mo, naging mabait ka sa amin. Kahit kailan, hindi ka naging sakit sa ulo mi mama. Palagi ka pang tumutulong sa amin ng papa mo. Mahal na mahal kita, anak."
Maaga akong umalis ng araw na 'yon para puntahan si Inno sa bahay n'ya. Pagdating ko ay patay pa ang mga ilaw, senyales na tulog pa s'ya.
Pagpasok ko sa kuwarto, nakumpirma ko ang hinala ko nang makita ko si Inno na masarap ang tulog sa kama n'ya. Nagbihis ako agad ng t-shirt n'ya at tinabihan ko ito at niyakap mula sa likod.
Hindi ako susuko. Una na akong nagkamali sa pag-iwan ko kay Inno dati nang magpaloko ako kay Charm. Naiintindihan ko ang galit at disappointments sa akin ni Mayora pero mahal na mahal ko si Inno at gagawin ko ang lahat para tanggapin n'ya ako ulit... lalo na ang apo n'ya. Ang baby namin ni Inno.
Nang magising si Inno ay gulat na gulat ito na nakita n'ya ako. Pero pagkaraa'y napalitan iyon ng tuwa. Hinalikan n'ya ako ng paulit-ulit. Nag-init tuloy ang katawan ko kaya hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko at bigla kong dinakma ang kan'ya. Nagulat ako dahil ang laki agad. Napabitaw tuloy ako. Narinig ko si Inno na natawa.
"Pwede na ba?" masuyong tanong nito. Nahihiya naman akong tumango.
Nakatatlo kami ni Inno. Pagod na pagod ako noon at parang ayaw ko na tuloy pumasok. Kung hindi lang ako nahihiya kay Tim dahil marami pa kaming trabaho today.

BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️