KABANATA 33Pinilit ni Inno ang ngumiti nang makita nito na nawala ang ngiti ko dahil nakita ko s'yang malungkot. Hinaplos n'ya ang pisngi ko at pinatakan ako ng halik sa noo.
"Sorry. Don't mind me. Mas mahalaga ka parin. Ikaw pa rin ang masusunod. We'll have it whenever you're ready." ngumiti ito. Ngayon ay totoong mga ngiti na. Pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Parang kinurot ang puso ko.
Si Inno naman na talaga ang nakikita kong makakasama kong bumuo ng pamilya. Ngunit hangga't maaari sana, ikasal muna kami. Para din walang masabi ang mga magulang namin. Lalo na at mula nang magkabalikan kami, hindi ko pa ulit nakikita si Mayora. Isang linggo kasi matapos kaming magkaayos, nagbakasyon daw ito kasama ang kapatid n'ya. European Cruise daw iyon kaya matagal, sabi ni Inno.
"Sorry, Inno." niyakap ko ito at hinagod n'ya ang likod ko tila sinasabi sa aking ayos lang.
Pagkatapos ng trabaho namin ni Inno ay sinundo namin si Lucas sa bahay para dalhin ito sa isang photo studio para pakuhanan ng mga litratong gagamitin namin sa birthday n'ya.
"Para po sa birthday n'ya. Gagamitin po for invitation and standee."
Hindi sumagot ang staff sa akin. Abala itong ngingiti-ngiting nakatingin kay Inno na nakaupo sa sofa habang kandong si Lucas at nilalaro ito.
"Grabe, ma'am, ang ganda naman sobra ng pamilya mo." sabi pa n'ya habang tulala pa rin kay Inno at Lucas.
Nilingon ko rin tuloy sila. Kunwaring hinihuli ni Inno ang daliri ni Lucas para kagatin ito at si Lucas ay tawa ng tawa. Ang ganda nilang pagmasdan.
"Ang sarap naman, ma'am, kapag babangon ka sa umaga na sila ang una mong makikita. Sana all!"
Naimagine ko tuloy ang sinabi ni ate. Gigising ako sa umaga na katabi ko si Inno at ang magiging anak namin. Parang hinaplos ang puso ko sa ideyang 'yon.
Luh. Bakit ganito? Kanina lang masaya pa ako na may period na ako. Bakit ngayon parang... Ano, Ahlia, gulo ng isip mo, neng? Hay!
Sa pictorial ni Lucas ay medyo nahirapan ako noong una dahil nag-iinarte s'ya at ayaw ngumiti. Pero nakagawa ng paraan si Inno. Kumuha ito ng props na salamin na may nakadikit na ilong at bigote at pinatawa si Lucas. Bumenta iyon kaya ang ganda ng mga larawan.
"Si daddy lang pala ang makakapagpaganda ng mood ni baby, eh!" natutuwang sabi ng assistant ng photographer.
Nahihiya akong ngumiti pero nang lingunin ko si Inno, nakita ko ang proud nitong mukha na parang ang laking achievement ng ginawa n'ya. Tumaas-taas pa ang kilay n'ya kaya natawa ako.
Pag-uwi namin ay nakatulog na si Lucas sa sobrang pagod kaya kinuha agad ito ni mama.
"Naghapunan na ba kayo?"
Tumango ako dito. "Opo, ma."
Pumasok na si mama at hinatid ko naman si Inno sa sasakyan n'ya. Pumasok muna ako saglit.
"Salamat, Inno." nakangiting sabi ko dito.
"Anything for you, and the people you love."
Hinawakan nito ang pisngi ko at hinawakan ko naman ang kamay n'ya na iyon.
"Sorry ulit, kung noong una ay pinangunahan ako ng takot. Pero kanina, Inno, nu'ng nakita ko kung paano ka kay Lucas, pati na rin nu'ng mga nakaraan, doon ko palang napagtanto na gusto ko na rin palang magkapamilya tayo."
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. "Are you... sure?"
Tumango ako. "Gusto ko kamukha mo. Gusto ko matangkad din. Gusto ko pareho mong matalino lalo sa Math at gust–"
BINABASA MO ANG
Rated SPG ka ba?
Humor- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at your own risk‼️