KABANATA 5

26.8K 235 27
                                        


KABANATA 5

Pagkatapos namin sa infinity pool ay nagkasundo naman ang lahat na sa pool bar naman kami. Nang makarating kami doon ay mas ma-tao ito. Pumili kami ng pwesto sa gilid at doon naupo. Mabuti nalang maging ang pool sa bar ay heated kaya ang sarap magbabad. Hindi rin ito malalim dahil dito ay pwedeng mag-inom ng alak. Mayroon pa ngang mga nagsasayawan at nagkakatuwaan sa gitna dahil meron ding music na nakakaindak.

May lumapit sa aming waiter at kumuha ito ng mga order. Napakadami ng pinag-oorder nila Inno. Kung anu-ano at hindi ko maintindihan ang iba. Gin bulag, Red horse, at Emperador lang naman kasi ang kilala ko. Kaya si Arah nalang ang pinag-order ko sa amin. Anak mayaman kasi si Arah. Ang daddy n'ya ay may ari ng isang sikat na Restaurant sa Magallanes kaya maalam s'ya sa mga alak.

Mas nagkakilala kaming lahat nang gabing iyon. Napagkuwentuhan pa nga na si Riley pala ay kakahiwalay lang sa girlfriend nito kaya nagulat kami at napag-usapan din tuloy ang Ex ni Veron.

"Dati, halos sungkitin pa n'ya ang lahat ng bituin makuha lang ako." natatawang sabi ni Veron sabay lagok nito ng alak.

"Edi ikaw naman ngayon ang sumungkit ng butuin, tapos ibato mo lahat sa mukha n'ya." sabi naman ni Riley kaya nagtawanan kami.

"Pwede nga, 'no? Tapos isasama ko pa ang buwan at 'yung ang isasargo ko sa ANO n'ya." sagot naman ni Veron kaya mas lumakas ang tawanan namin.

"So, lahat kayo, single?" tanong naman ni Vince at nagtanguan kami.

"Si Veron palang naman ang nagkaboyfriend sa'min." sabi ko. Nagtanguan naman ang mga lalaki na parang namangha.

"Oo tapos nasakto pa sa manloloko. Buti nalang 2 months lang ang tinagal namin kaya 'di naman masakit." proud na sabi ni Veron.

"But, really, nakakagulat. You guys didn't have any boyfriend when you were in college?" si Timothy na nakataas ang parehong kilay.

Nagkatinginan naman kaming apat at nagtawanan. Si Arah ang nagsalita para ipaliwanag kung bakit.

"Nagsimula 'yun sa biruan, eh. 2nd year high school kami nu'n at naisipan namin na ilista sa isang papel kung ilan ang crush namin. Tapos si Daisy 2 lang ang crush n'ya. Tapos ayaw namin maniwala sa kan'ya kasi ako nu'n 16, si Veron parang 21 yata ta's ito namang si Ahlia mga 12 ang crush."

Nagtawanan sila sa panimulang kwento ni Arah. Grabe! Naalala ko tuloy 'yung mga kabaliwan namin nu'ng high school. Ni hindi ko na nga maalala kung sinu-sino 'yung 12 na crush ko no'n.

"Tapos, ayon nga, sabi namin kay Daisy na 'wag s'yang pabebe at 'wag s'yang sinungaling. Kasi napakakonti ng crush n'ya dapat mga more than 10 din tulad samin." si Veron naman ngayon.

Si Daisy ay natatawa na naiiling nalang. "Ayaw nila maniwala sa'kin, tapos sabi nila sa'kin ako daw ang unang mabubuntis kasi daw pabebe ako."

Nagtawanan na naman kami. Naalala ko nu'n, halos maiyak si Daisy kasi pinagkakaisahan namin s'ya. Sabi pa namin, nasa loob ang kulo n'ya.

"Kaya sabi ko sa kanila, okay sige, pustahan kami, kung sinong unang magkakaboyfriend, babayaran ang mga nanalo ng tag-iisang libo. Biruan lang naman pero nadala namin s'ya hanggang magcollege na kami. Hanggang sa tumaas na rin 'yung bayad ng 20k kaya wala na talagang nagboyfriend sa'min." sabay tawa ni Daisy.

"Edi nagbayad ka sa kanila, Veron?" tanong ni Riley dito.

"Hindi na, kasi graduate naman na kami ng college nang sagutin ko 'yung alipunga na 'yon. Napagdesisyonan namin na ngayong tapos na kaming mag-aral, pwede na." sagot ni Veron at saka ito pasimpleng lumingon kay Dylan.

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon