Chapter 13

152 8 0
                                    







  
Hapon na ako nagising kinabukasan dahil narin sa pagod ko kahapon. Muntik kopang malimutan na may party pala ngayon, mabuti nalang at pinaalala sakin nang isa naming katulong na si manang Tyra. Minsan naiisip ko na ang sosyal naman ata nang pangalan ni manang parang pang new generation samantalang yung akin medyo outdated.


"Ay naku maam. Excited na excited ang mama mo, dahil kanina alas kuwatro palang ay gumising na" kwento sa akin ni manang.


Hindi na ako nagulat doon dahil ganon naman talaga si mama. Hindi niya inaasa sa mga katulong ang gawain at gusto niyang siya ang gagawa noon.


"Masanay napo kayo manang, ganyan po talaga si mommy" sagot ko.


Nilulukot lukot niya ang dulo nang kanyang buhok na parang teenager talaga. No wonder why her name is Tyra huh!


"Kaya talaga naging mayaman kayo maam dahil ang sipag nang mga magulang mo" sagot niya.


Masipag nga ang mga magulang ko and i'm very proud of it. Sabi ni mommy at daddy di daw talaga sila ganito kayaman dati, but through their hardwork and perseverance na achieve nila ang lahat nang to.

"Kaya nga po eh" tanging sagot ko nalang.

"Hay nako maam maligo kana po. Dahil may laway po sa gilid nang labi niyo" walang preno niyang sabi.

Halos matawa ako sa sinabi niya. Walang preno naman ata ang bibig nitong si manang Tyra.

"Mamaya napo manang" natatawa kong sabi dahil medyo mamaya pa naman ang party. "Tsaka ba't andito papo kayo sa kwarto?" tanong ko nang mapansing kanina pa siya dito.

"Ayy nako. Oo nga. Naku! naku! may inutos pa pala ang mommy mo sa akin. Nako po!...Lalabas na ako maam" dali dali siyang lumabas.

Guminhawa naman ang pakiramdam ko dahil kanina pa siya nagtatatalak dito.

Tiningnan ko ang closet ko para maghanap ng susuotin mamaya. I wang to wear some formal dress dahil batid kong halos mayayaman ang aattend mamaya.

I see a spaghetti strap dress na color red, i think this would be okay. Agad ko itong kinuha at tiningnan sa salamin maganda nga at mukhang babagay sa simpling sandal ko. Ayaw ko namang mag stiletto at baka ako lang ang pagtitinginan mamaya.

After i finally decide what i wear ay naligo na ako. Naalala kopa naman na sinabihan ako ni manang na may laway.

"Maam, nakapagbihis napo ba kayo? Pinapatanong po kasi ni maam" sigaw ni manang Tyra sa labas ng room ko.

"Naliligo pa po" sigaw ko, ewan kolang kong narinig niya iyon.

Nang makalabas na ako ay dali dali na akong nagbihis. Parang ang tagal ko naman atang naligo. Five pm na kasi nang tiningnan ko ang oras gayung three pm lang noong pumason ako. Totoo pala talaga na matagal maligo ang babae.

"Maam nasaan nadaw po kayo? sabi nang mommy nyo" katok ni manang Tyra sa kwarto ko.

Pinakbuksan ko siya kaagad para makitang nakapagbihis na ako. Mukhang namomroblema na kasi siya.

"Naku! Salamat naman maam at nakapagbihis kana. Kanina kapa kasi hinahanap ng mama at papa niyo. Marami napong tao sa baba eh" sabi niya agad.

"Susunod napo ako manang mag aayos muna po ako" simpleng sagot ko.

Humagikgik siya. "Sige po maam. Andami pa namang gwapo sa baba" sabi niya at parang kinikilig na umalis.

Hays! Si manang talaga. Maybe saw some handsome old man down there.

Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon