Chapter 36

141 4 0
                                    

Alas 10 na akong nagising, tamang tama lang dahil mamayang lunch pa ako pupunta ng food corp. Agad na akong naligo at piniling suotin ang black skirt paired with a white spaghetti top and a stilletto. Inipit ko din ang buhok ko para mag mukha naman akong pormal.

 
I stared my reflection in the mirror. Perfect.

 

Bumaba ako at naabutan si Daddy sa sala.

 

"Ready?"

 
"Always dad"

 

Alas 11 nadin at tamang tama lang ang pagbaba ko dahil andito narin si Manong Henry na kagagaling lang mamalengke kasama ang isang katulong namin.

 

Hindi ko maipagkakailang medyo kinakabahan ako dahil first day ko ngayon na uupo don as part of the share holders.

 
"Enjoy everything hija" makahulugang sabi ni daddy. I smile.

 
"I will dad"

 
Nagpaalam na ako kay daddy at lumabas na, naghihintay naman si Manong Henry sa labas at nakangiting tiningnan ako.

 
"Good morning Maam"maligaya niyang bati.

 
I smile "Tanghali napo Manong eh" pabiro kong sabi. Tanghali naman na talaga.

Napakamot siya sa ulo niya at natatawang tumingin sa akin dahilan para madepina ang kunot sa noo niya.

 

"Pasensiya na Maam, ibig kopong sabihin ay Magandang umaga sa bagong simula" natatawa niyang sabi bago ako pinagbuksan nang pintuan.

 
Kumunot ang noo ko bago pumasok sasasakyan. "Ah! Ganun po ba" pigil tawa kong sagot dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya.

 
Masaya ako na kinakabahan. Natural naman talaga iyon pag first day, kalaunan masasanay din.

 
Tumingin nalang ako sa labas at tiningnan ang nadadaanan namin.  Parang wala lang nagbago sa Montereal maliban nalang sa mga bagong bahay na nadadag.

 
Nadaanan namin ang mall na minsan kolang na pasyalan noon dahil narin sa wala akong kasama dati. Si Vien naman kasi hindi nagyayaya dati. Parang ang dami kong hindi napasyalan dito dati eh.

 
"Andito napo tayo maam" deklara ni Manong at itinigil ang sasakyan sa harap ng building.

 
Tumango ako at bumaba naman kaagad, hindi gaanong mataas ang building nasa sampong palapag lang ata. Alam kong mataas na ito dito sa Pilipinas, nasanay lang talaga ako sa tayog ng mga building sa Australia. Thinking Australia made me miss Quier and Xyra.

 
Napansin ko ang malaking gate hindi malayo sa building, may mga lumalabas na sasakyan na may nakasulat na Vega Food Corporation. Kinabahan ako ng makita ang Vega na word. It's Kedrick surname.

 
Hindi kaya si? Oh no!

 
"Manong sino po ang may ari nang business nato?" tanong ko kay Manong nag lumabas na siya.

Ngumiwi siya at nagkamot ng ulo.

 
"Si Sir Kendrick po maam"

 
"Kendrick Dale Vega?" Nagbabaksasakaling tanong ko.

 
"Opo maam"

  
I literally freak out. I know i want to see Kendrick pero hindi ako prepare na ngayon na. "Manong bat di niyo po sinabi agad"

Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon