Chapter 38

157 3 0
                                    


   
Pinahiran ko ang mga luhang bumagsak galing sa mata ko at inayos ang sarili.

 
Naglakad ako papunta sa canteen nitong building at natagpuan si Drake na nakaupo at nakahalukipkip.

  
"Gutom kana no?" maligaya kong sabi sa kanya.

  
He shifted on his sit at tiningnan ako.

 
"Di pa naman"

 
Umupo ako sa kaharap na upuan niya. "Kain na tayo?"

 
Nakatitig siya sa akin at parang kinikilatis ang bawat kilos ko. "Sige" sagot niya at dahan dahang iniwas ang tingin sa akin.

  
Parating din si Kendrick at ang secretary niyang nililigawan niya. Yumuko ako at kinuha nalang ang paper bag na bitbit ko kanina at nilabas ang pagkain.

 
Narinig kong sa tabing mesa lang din sila umupo, siguro kakain din sila.

 
"Kain na tayo"i smilingly said to Drake. Natagpuan ko siyang nakatingin sa akin, i somehow see pity on his eyes and i really hate it.

  
"Sure ka dito tayo kakain?"nag aalalang tanong niya.

  
Yumuko ako dahil hindi ko kayang tumitig sa kanya. Hindi ko alam pero parang may alam siya.

  
"O-o naman" gumaralgal ang boses ko. I feel like i found comfort in this kind of situation.

  
Nanginginig ang kamay kong pinulot ang kutsara at nagsimulang kumuha ng pagkain. Hindi ko naiwasang mapatingin sa gilid namin kong saan sina Kendrick.

  
Kitang kita ko kong paano niya alagaan ang babae. I see those familiar smile, yung ngiting dati ako pa ang dahilan ngayon hindi na, iba na.

  
Kendrick look at our table, his eyes meet mine and all i can see is hatred. Hindi siya naka suot ng eyeglass ngayon and his so damn handsome. I mean gwapo na naman siya dati, but his featured look more mature now.

  
Iniwas ko ang tingin sa kanya.

  
"Masarap ba?"tanong ko kay Drake. Kinakain niya kasi yung pina deliver niya kanina, yung kinakain ko kasi ay yung binigay ni manang Fiona.

  
Tumango si Drake at tumayo para kumuha ng tubig sa despenser. "Pakikuha din ako ng tubig" pahabol ko sa kanya.

  
Sumimangot siya "Ayaw ko nga"

  
Ngumiti lang ako at hindi na sumagot alam ko namang kukunan niya din ako ng tubig eh.

  
Naririnig ko dito ang tawa ng sekretarya ni Kendrick.

  
"Stop---" mahinhing sabi nito at nagpipigil ng tawa.

  
"What? Totoo naman talaga ah" rinig kong sagot ni Kendrick.

  
Napabuntunghininga ako at napailing. Ang lalandi lang talaga nilang dalawa. Can't they flirt in a more private place?

 
"Wag nga kasi nating pag usapan yan" mahinhing sagot ng sekretarya niya.

  
Kendrick laugh bago inabot ang isang tissue para pahiran ang bibig ng sekretarya niya.

  
Damn you Kendrick! Gusto kong magmura sa harap nila. Sa harap kopa talaga huh. Akala ko wala nang mas isasakit sa nakikita at naririnig ko, meron pa pala.

  
"I love you" rinig kong sabi ni Kendrick.

  
Napabaling kaagad ako sa gawi nila and find out that Kendrick is staring at me. Iniwas niya ang tingin sa akin at humarap sa sekretarya niyang matamis ang ngiti. "I love you too" kinikilig na sagot ng sekretarya niya.

Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon