"Shut up Quier" i said and drink the glass of vodka. Andito kami sa isang bar dito sa Australia.It's been four years since umalis ako ng Montereal, the first day was hell. Palagi akong umiiyak, gustong gusto kong mag open ng social media pero pinipigilan ko talaga. Nagpakabusy ako sa pag aaral and after 2 years i graduated, pero mas pinili kong dito na muna mag trabaho.
"Dapat kasi nag move on kana" si Quier. Nakilala ko siya sa school siya lang din kasi yung Pilipinong schoolmate ko. He graduate engineering.
I rolled my eyes. "No. Babalik ako ng Montereal and i'll make sure mapapasakin siya ulit" desperada kong sabi.
Sa loob ng four years di ako nagkaroon ng boyfriend, madaming nanliligaw pero mas pinili kong di pansinin. Pinangako kong babalik ako doon at magmakaawang maging kami ulit.
I don't heard about him lately, ang huli kong nalaman he graduated Magna Cumlaude. Umiyak pa ako noong araw na yun kasi alam kong hindi nasayang ang pag iwan ko sa kanya.
"It's been four years na. Remember you left him without a word" natatawa niyang sabi. Kahit useless ang pinagsasabi nito, i still value him. Siya kasi yung unang taong sinabihan ko nang lahat.
Sinimangutan ko siya at tumayo na. Gusto ko nang umuwi dahil umiinit na ang sikmura ko. "Una na ako huh. Just tell Xyra, kita nalang kami sa Pilipinas " natatawa kong sabi.
"Sige sige, goodluck sayo" he said.
Agad na akong naglakad paalis. Niyaya niya kasi akong magbar lalo na't uuwi na ako ng Pilipinas bukas. Yes! Uuwi na ako finally after four years makakatapak na ulit ako doon.
Akala ko makakabalik agad ako after ko grumaduate but mom and dad didn't allow me, gusto nilang bumalik ako kapag tuluyan na naming nabayaran ang fifthy million naming utang sa mga Vega and finally nabayaran narin namin.
After i left Montereal hindi na tinuloy ng Vega Airline company ang pag pull out ng investment nila. Naging stable ulit ang kompanya namin at unti unting nabayaran ang utang namin sa kanila. Sumunod naman sina mama at daddy noon sa akin, pero sa huli bumalik din sila nang Montereal para mas matutukan ang Kompanya namin.
Parang ang bilis lang ng oras nandito na ako sa airport at hinihintay na ang sundo ko papuntang Montereal. Diretso na akong lumapag sa Cebu kung saan dito din ako sumakay noong umalis ako.
Tinanggal ko ang shade na suot ko at inamoy ang hangin na matagal konang gustong malanghap ulit.
Malaki ang pinagbago ng katawan ko. Mas lalo itong naging kurba, ang buhok ko ay mas humaba, hindi ko na pinutulan at pinapa trim ko nalang. Ayaw ko kasing putulan.
"Good morning maam" bati sa akin ni Manong Henry. Halos mapatalon ako noong makita ko siya. I miss manong Henry and seeing him again made me miss Montereal more.
I suddenly miss Vien, kamusta na kaya siya? Hindi ko nadin kasi siya nakausap mula nang umalis ako.
.
"Manong" i went and hug him. "Kamusta po?" Agad kong tanong. Matagal kona talaga siyang hindi nakikita lalo na't may puting buhok na siya ngayon."Okay lang maam. Kayo po?" balik niyang tanong sa akin.
"Okay lang din po" nakangiti kong sabi.
Andami naming pinag usapan habang papunta kami ng Montereal ang sabi pa niya'y may bagong tayong negosyo sa Montereal at isa sina mommy at daddy sa malaking investor.
"Mabuti nga po iyon manong"
Tiningnan niya ako mula sa review mirror "Kaya nga po maam"sagot niya.
BINABASA MO ANG
Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETED
General FictionMarrieanna Eleaza Montemayor went to Montereal together with her family. There, she meet Kendrick, Xandrick, Yhuan, Cayfer and Brayle. The four idiots este, the four handsome and richest elites in Montereal. [COMPLETED] But still you may encounter...