Chapter 37

148 5 0
                                    


Pagkatapos noong una naming pagkikita ay hindi ko na siya nakita ulit. Araw araw akong pumapasok nagbabakasaling makita ko siya pero hindi talaga. Nasa 5th floor kasi ang opisina ko kaya malabong magkita kami.

"Lunch?" Drake asked.

Lima lang naman kaming mga investors dito at ang tatlo ay matatanda na at dipa pumapasok.

"Mabuti pa nga, nagugutom na din kasi ako"

"Sa labas naba? Or magpapadeliver nalang tayo? Hmm?"

"Dito nalang siguro"

Tumango siya at nagpa deliver na. Hindi ko talaga alam kong bakit kailangan pa naming pumasok araw araw eh, halos wala naman kaming ginagawa.

"Next time sa labas naman tayo. Nakakabagot na kasi dito"

I rolled my eyes at tinawanan siya. Akala ko ako lang. Halos dito kasi siya sa opisina ko tumatambay.

"Akala ko ako lang ang nakakafeel niyan" tawa ko.

He chuckled. "That's why gusto kong sa Maynila eh. Dito kasi masyadong busy ang mga tao sa negosyo"

Well he just said it. I agree, people here are all workaholic.

Dumating ang inorder namin kaya kinuha niya ito sa labas.

Nakatunganga lang akong naiwan doon.

"Maam" tawag sa akin ni manang Fiona. Ang manager sa food factory. Hindi ko alam kong bakit nandito siya.

"Yes?"

"Sir Vega said na e review niyo daw po ang sales this months." she politely said nang nakalapit na.

Tumango ako. Matanda na siya at sa pagkakaalam ko'y may asawa na. Ang sabi nila ay dati daw siyang katulong nila Kendrick.

Vega food corporation is one of the biggest food corporation in the Philippines kahit bago palang itong natayo at ngayon palang ay nagsisimula na din itong mag export sa iba't ibang bansa sa Asya.

"Kumain na po kayo maam?" tanong niya.

"Hindi pa nga eh".

Ngumiti siya at dali daling lumabas at parang may kinuha sa pintuan. "Binilhan na po kita ng pagkain maam"nakangiti niyang sabi.

"Hala! Thank you. Pwede namang hindi na dahil may binili na naman si Drake eh"

"Naku maam. Mas masarap parin yan, niluto niya kasi talaga iyan" kinikilig niyang sabi.

"Po?" Tanong ko. "Sinong nagluto nito?"

Natakpan ni manang Fiona ang bunganga niya at maputlang ngumiti. "Nako po maam, kailangan na pala ako sa factory" dali dali niyang sabi at umalis.

Nakakunot ang noo kong naiwan doon. Ang weird ni naman ni manang Fiona.

Binuksan ko ang paper bag at nakita ko ang baunan na may lamang pagkain. Andami nga kong tutuusin, pwede na ata dalawang tao dito.

"Heyyy!" Sigaw ni Drake ng makapasok. Wala siyang dalang pagkain.

"Saan ang pagkain mo?"

"Mo? Akin lang ba iyon?"sagot niya.

Pinandilatan ko siya "Meron na ako"

"Di wow. Tara sa canteen na tayo nitong building kakain" sagot niya.

"Himala na isipan mo atang kumain don?"takang tanong ko.

"Niyaya kasi ako. Tara na!" Lapit niya sa akin at hinila ako patayo.

Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon