Chapter 6

180 11 0
                                    

  

    

"Ano bang expect mo sa short Ken? Mahaba?" sagot ko sa kanya. Hindi pwedeng matameme nalang ako sa harap niya at hindi ko hahayaang lamunin ako ng nararamdaman ko ngayon. This can't be.

    
Napangiwi siya sa sagot ko. Akala ko natinag siya sa sinabi ko pero halos mapatalon ako sa sunod niyang ginawa. Kusa niyang pinulupot ang jacket niya sa bewang ko.

   

"What the-" tanging nasabi ko sa pagkakagulat.

"Don't be so stubborn, your skin is exposing too much with that shorts short." sagot niya nang matapos niya nang itali sa bewang ko ang jacket niya.

   
"May screening mamaya sa volleyball Ken kaya tatanggalin ko din to" pagalit kong sabi sa kanya.

   

Kahit kinikilig ako sa ginawa niya di ako papatinag dahil lang doon. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog.

   
"You won't." maawtoridad niyang saad. Kung iba ang sinasabihan niya ngayon baka kanina pa tumiklop at sumunod nalang sa inuutos niya.

 

"Tatanggalin ko to." matapang kong sagot. Hindi mo ako mapapasunod Kendrick Dale Vega.
  
  
"You won't, baby. You won't" pinal niyang sagot at umalis, ewan ko kung saan pumunta yun. Baka na badtrip sa akin.

   
Lumingon ako sa paligid ko at ngayon ko lang na realize na pinagtitinginan na pala kami. Maraming mukhang bigo at may umiiyak pa.

  
The effect of Kendrick Dale Vega. Nagpa iling iling nalang ako sa nakikita.

   
"Shit! ano yun? Ano yung baby?" mahina pero patiling sabi ni Vien sa tenga ko.

      
Nag kibit balikat nalang ako. Ano ngaba ang ibig sabihin noon? Hindi ko alam at ayaw kong malaman. I'm scared that i might fall inlove again. Ayaw ko, takot akong magmahal. Takot akong mabulag sa pagmamahal.

   
"Volleyball screening will start now" announce ng MC sa harap.

   

Agad na akong pumunta sa gitna dahil pumunta na ang mga mag a-auditon din.

   

Tatangalin ko na sana ang jacket na nakatali sa bewang ko nang mag announce ulit ang Mc.

    

"Ms. Montemayor wag mong tanggalin ang jacket or you'll be disqualified"

  
Kitang kita ko ang ngiting tagumpay na mukha ni Kendrick sa harap noong tumingin ako sa kanya. Alam kong siya ang nag utos noon, alam kong di siya titiklop pero hindi ko akalaing gagamitin niya ang kapangyarihan niya para mapasunod lang ako.

    

Sinamaan ko siya nang tingin, ngumiti lang siya at binigyan ako ng nagtatakang tingin na parang wala siyang alam sa tinutukoy ko. Oh! the control freak is acting innocent.
 
     

Nagmumukha tuloy akong mambubukid sa suot ko, lahat kasi nang nag a-audtition ay nakasuot ng jersey volleyball short at ako lang ang may taling jacket sa bewang.

    

"Your turn Ms. Montemayor!" sigaw ng babae na mag ta-try kong marunong ba talaga kaming mag volleyball.
    

Iba ang titig niya sa akin, mukhang may galit. Hindi ko naman siya kilala pero kung makatitig mukhang may nagawa akong masama.

    

Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon