Friday na at huling araw na nang sports day namin. Two days akong naghanap nang timing para makapag sorry pero hindi ako makalapit. Palagi siyang napapalibutan, minsan naman wala siya."Is it true na minarkahan kadaw?" excited na tanong ni Vien.
Nandito kami sa Gym hinihintay ang final game nang engineering volleyball team at volleyball team nang law dept. Natalo ang business add noong nakalaban namin ang engineering dept. Ang gagaling kasi nila lahat.
"Anong marka?" nagtataka kong tanong.
"Hello? Kalat na kaya sa buong campus na ikaw daw ang bagong princess nang limang hari nayun!"
"Ewan ko sa inyo. Wala akong alam diyan" sabi ko. I suddenly remember noong sinabihan nila akong prinsesa daw nila. Baka yun ang tinutukoy niya.
"Haba nang hair. Sana all" sabi niya at ngumiti ngiti pa.
"Since Rianah left, ikaw palang ang bagong minarkahan nila" dagdag niya.
"Rianah? Sino yun?" nagtatakang tanong ko.
"Wala." sagot niya. Nagtataka man ay dina ako nagtanong pa.
"Nagkaayos naba kayo ni Kendrick?" tanong niya sa akin.
I breath deeply. "Hindi panga eh" malungkot kong sagot.
"Makipag ayos kana ngayon pa naman ang final game nila" sagot niya.
"Wala naman siya dito" sagot ko.
"Eh di tanungin mo yung apat nayun" turo niya kina Cayfer na nakaupo sa harapan.
Tama siya. Baka alam nila kung saan si Kendrick ngayon.
Agad akong nagpaalam at bumaba na sa bench. Andito ako sa upper part nang gym kaya kailangan kopang bumaba.
"Excuse me" saad ko para makadaan.
Dali dali silang gumilid at nginitian ako. So weird! Kahapon kopa napapansin na wala nang tumitingin sa akin nang masakit. Bumait ata silang lahat.
Nang makarating ako sa inuupuan nila Cayfer nginitian nila ako.
"Your highness bat ka naparito?" pabirong sabi ni Xandrick.
"Nakakatawa Xan, subra" sarcastic kong sabi. Sumimangot naman siya.
"I came here, kasi gusto ko sanang tanungin kong nasaan si Kendrick?"
"Miss mo?" tanong naman ni Brayle. Nakasuot na naman siya nang earphones pero nakikinig pala.
"Di no" agad kong sabi but deep inside i miss him. Nakakahiya namang aminin sa mga uggoy nato.
"Don't worry miss na miss kadin non" sagot niya.
Uminit tuloy ang pisngi ko sa sinabi niya. Sana nga.
"Saan nga siya?"
"Sa puso mo" pabirong sabat ni Yhuan.
"Ang lame nang joke mo" sagot ko.
Simimangot siya at nagkamot nang ulo.
"Kaya nga di kina crushback yan si Yhuan kasi ang lame nang joke" Natatawang sabat ni Cayfer.
May makukuha ba akong sagot dito sa kanila? Mukhang kalukuhan lang naman ang sinasagot nila.
"Ang sama niyo sa akin" naka pout na sabi ni Yhuan.
"Yung totoo may balak ba kayong sagutin ako?" nakapamaywang kong tanong.
Agad naman silang tumigil sa pagbibiro at nag peace sign sa akin.
BINABASA MO ANG
Blown to Forever (Montereal Series #1) COMPLETED
General FictionMarrieanna Eleaza Montemayor went to Montereal together with her family. There, she meet Kendrick, Xandrick, Yhuan, Cayfer and Brayle. The four idiots este, the four handsome and richest elites in Montereal. [COMPLETED] But still you may encounter...