chapter 1. Kidnap

13.1K 218 28
                                    

"Live po tayo ngayon sa Marriot Hotel dito idinaraos ang taunang Asia Ceo Awards, kung saan binibigyan ng parangal ang ilan sa mga sikat na personalidad na nagpamalas ng pambihirang tagumpay at kagalingan sa pamumuno sa kanilang kumpanya, gayon din ang pagtulong sa ibat-ibang sektor ng lipunan".

"Tampok sa gabing ito ang pagbibigay ng mataas na parangal sa pinakabatang Vice President na si Aizen Shau-chen ng Shau-Chen Corporation, sinasabing pambihira ito sa kasaysayan ng sektor ng pagnenegosyo."

"1, 2, 3 end." sigaw ng field director sa tagapag-ulat.

"Grabe ang galing naman 23 yrs old pa lang susunod ng Ceo ng SC Corporation." paghanga ng isang photographer na naka antabay sa mga parating na mga guest.

"Walang dudang magaling siya eh na feature na siya sa CNN last year as one the most influential lider in South East Asia." sabat ng isang reporter.

"Ang galing talaga!" papuri ng mga taga media naghihintay sa pagdating ng 'Man of the hour'.

"Tip sa akin ng security niya padating na daw si Vice President." sabi ng isang manunulat sa tabloid.

Nagsipaghanda na ang mga camera man, photographer sa kani-kanilang hawak na camera upang makuhanan ng tamang angulo ng lente ng camera ang sikat multi awardee na lider ng nangungunang kunpanya sa bansa. Habang ang mga news reporter naman ay nakahanda na makipag unahan ng ambush interview.

Isang Black Toyota Alphard Mpv Van na nagkakahalaga ng 3 Million pesos ang huminto sa hotel. Awtomatikong nagsipagtakbuhan ang mga taga media upang makapag ambush interview sa batang bata soon to be CEO, ngunit biglang may mga security escort ang biglang humarang sa kanila. Unang bumaba ng sasakyan ang bodyguard nito, halos magkislapan mga flash ng mga camera at ilaw ng video camera nang mamataan ang lalaking nakasuot ng black suit na may red tie. Mukhang anghel ang napakaamong mukha ng tagapagmana ng Shau-Chen Incorporation. Maputi, singkit ang mga mata, may biloy sa kaliwang pisngi na tila iginuhit ang kapogian sa canvas, sakto lang ang height na 5'5 sa kanyang pangangatawan.

"Sir, Sir kunting pahayag lang po, Ano po masasabi ninyo sa parangal na ibibigay sa inyo ngayon gabi?" tanong ng isang reporter.

"Sir kayo na po ba ang susunod na CEO ng SC Corporation?" tanong ng isa pang reporter.

"Sir , sir saglit lang po."

Nang huminto ang taga-pagmana ng pamilyang Shau-chen ay natahimik ang mga taga media at nag abang sa sasabihin nito.

"Magbibigay ako ng presscon para sa inyong lahat gusto ko kayo maka daupang palad habang nagkakape tayo, magbibigay ako ng announcement mamaya ang Executive Secretary ko salamat."

Hindi sinagot ng batang Vice President ang mga tanong ng mga reporter. Sa hindi malamang dahilan ay nagbigay pa ito paanyaya upang imbitahan ang press core.

"Wow sige po sir magandang ideya yan." Wika ng isang kolumnista ng isang kilalang broadsheet newspaper.

"Aasahan naman yan Sir marami kaming nais malaman tungkol sa inyo." Ani ng writer ng isang Business and lifestyle magazine.

"Just wait for my announcement later." Masayang sabi ng naturang lalaki sabay pasok nito sa lobby ng hotel.

Parang napawi ang pagod nila sa maghapon pag-aabang sa labas ng sikat na hotel nang makita nila ang napakaamong mukha ng Vice Presiden ng SC Corporation.

Ikinagalak pa ng press media dahil sa kauna unahang pagkakataon ay magbibigay siya ng oras para sa kanila. Napakailap sa mga media ang Vice President kaya pagkakataon nila makakuha ng magandang scoop at kunting kaalaman mula sa business genius. Inakala nilang tulad ng iba nasa alta sa siyudad ay hindi basta basta malalapitan ang katulad niya.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon