*chapter 30 Ang Batang Dayo

987 70 11
                                    


News Flash

Kasalukuyan pong pinaghahanap ang Apo ng Business tycoon at CEO ng Shau-chen Incorporation si Aizen Shau-chen. Kilala sa pagiging matulungin sa pagkakawang-gawa at sumusuporta sa iba't ibang charities, orphanage at non government organization ang batang bata soon to be CEO. Napabalitaan kamakailan ang pagkawala nito, muling nanawagan ang pamilya Shau-chen sa makakapagturo kung saan matatagpuan si Mr. Aizen Shau-chen ay may kapalit na pabuya.

Hindi makapaniwala si Brent sa balitang napanood sa tv ng nurse station.

"Kuya si Aizen nawawala!"

Biglang nabitawan ni Brent ang plastic cup na iniinuman.

Binuksan ni Brent ang phone niya na naka off at madaling tinawagan si Aizen. Naka ilang dial na si Brent ngunit naka off din ang phone nito pagkababa ng kanyang phone. Nakatanggap siya ng tawag kay Cedrick.

"Ced nasaan si Aizen?"

"Tol kagabi pa kita tinatawagan naka off phone mo. Isinugod ko siya sa hospital kagabi, magdamag ko siyang binantayan. Im sorry nakatulog ako lang ako saglit pagkagising ko wala na siya."

Halata sa boses ni Cedrick ang sobrang pag-aalala at hindi malamang ang gagawin ng binata.

"Tumawag ka na ba sa headquarters baka umuwi siya sa condo o sa bahay niya?" Tanong ni Brent na bahagyang nagkaroon ng pag-aalala kay Aizen.

"Tol pagkareport ko sa HQ pinuntahan agad ng ibang security personnel sa condo wala din siya doon, nag-aalala pa naman ako may malubha siyang sakit."

"May malubha siyang sakit?" Paglilinaw ni Brent.

"Tol delikado ang sakit niya mapanganib na wala siyang kasama baka mapaano si Vice President." Sagot ni Cedrick habang nanginginig pa ang tinig niya mula sa kabilang linya.

"Walang mangyayari sa kanya Ced, hahanapin ko siya hintayin mo ko sa HQ."

Pagkababa ng telepono ni Brent ay nagbilin naman siya kay Spocky.

"Aki, bantayan mo si Mama papuntahin ko dito si Tita lanie kung ano sabihin ng doktor itawag mo agad sakin, Maliwanag."

"Kuya Brent gawin mo lahat para makita si Aizen." Pakiusap ng kapatid niyang si spocky.

"Oo hahanapin ko siya."

Sa Mansyon

"Papa kung sinabi niyo lang sana na umuwi dito si Aizen hindi ko sana siya pinayagan umalis At kahit palayasin niyo pa siya sasamahan ko siya kahit saan pa kami magpalipas ng gabi." Saad ni Mommy Ives habang umiiyak sa tabi ni Chairman Mao.

Napahawak na lang sa noo si Chairman Mao dala ng pagsisi sa nagawa sa kanyang apo na si Aizen.

"Papa kung isinantabi niyo muna ang galit niyo hindi sana mangyayari ito. Ni hindi ko man lang nayakap ang anak ko sa dinaranas niya kamakailan lang, Aizen is really devastated hindi na niya kinaya ang problema kaya nawawala siya ngayon baka mapaano ang anak ko."

Napahagulgol na ng tuluyan ang ina ni Aizen.

"Ma'am Ives ginagawa na po lahat ng mga tauhan ko upang makita si Vice President Aizen." ani ni Chief.

Napaupo ang nag-iisang anak na babae ni Chairman Mao at buong hinagpis na umiyak ulit.

"Chief gawin ninyo lahat makita si Aizen." Utos ni Chairman Mao.

"Sila Kiskey at kanyang mga bantay nasaan na sila kailangan ko sila makausap baka sakaling mahikayat nilang umuwi si Aizen."

"Narito na po kami Sir at Maam, pasensya na po kung kami ay natagalan." bungad ni Brent kasama si Cedric at Kiskey.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon