*chap 14. Memories & Nightmares

1.8K 86 15
                                    

    Sa chapter na ito nakapaloob ang ilang bahagi sa nakalipas sa buhay ng pamilya Shau-chen at Mga magulang ng magkapatid na sina Brent at Spocky at pinagmulan ni lance


                      **************

MEMORIES

    Sa malaking garden ng mansyon nakaupo si Mira.

   "Hintayin ninyo na lamang po dito si senyorita Ives pababa na po iyon," wika ng kasambahay habang inilalapag sa lamesa ang juice at cake.

   "Mag meryenda na po muna kayo." Alok ng maid.

   "Salamat po." saad ni Mira bago siya iwan ng kasambahay

    Habang hinihintay ni Mira ang pagbaba ng kaklase niyang si Ives, napagmasdan niya ang napakalawak na lupain ng pamilya ni Ives ganoon din ang Mansyon.
  
   "Totoo pa lang mayaman sila ni Ives, nakakalula naman yaman nila." sabi ni Mira sa sarili.

    Dito nila napagpasyahan gumawa ng project,magkaklase sa kolehiyo ang dalawa.

    "Grabe ang tagal naman ni Ives." Naiinip na sabi ni Mira.

     Upang matanggal ang bagot naisipan ni Mira na maglakad lakad at masdan ang mga naggagandahan bulaklak ng orchids sa garden. Nakapukaw ng pansin sa kanya ang papel na nakatupi sa mababang sanga ng maliit na puno.  walang pag aalinlangan, kinuha niya ang upuan at tumuntong para kunin ang papel bigla na lamang gumewang ang upuan kaya siya mahuhulog sa kinatutungan.

    Isang lalaki na nakasuot ng polo barong ang nakasalo sa kanya. Matikas, matipuno ang pangangatawan at ang mukha'y parang mga matinee idol noon panahon ng 80's

    "Sino ka? ibaba mo nga ako!!" sigaw ni Mira sa lalaking parang ang sarap sarap sakyan at magpabuhat dito.
  
   Napansin niya na may pagka mestiso ito matangos ang ilong at tantalizing ang color brown na mga mata ng lalaki.

   "Ang sungit mo naman Miss kung wala ako bumagsak ka na sana dyan sa lupa." aniya.

   "Sabing ibaba mo na nga ako ang kulit mo." inis na sabi ni Mira.

   "O ayan na mahal na prinsesa." at maingat na ibinaba nito si Mira ng lalaking nasa edad ay bente singko.

   "Uli-uli wag kang tuntong sa upuan, palibhasa maliit kaya di kayang abutin matataas na bagay." sermon ng lalaki kay Mira.

   "Ang yabang mo magsalita kala mo kung sino kang matangkad."

   "Grabe imbis na magpasalamat nagsusungit pa rin hanggang ngayon." Sumbat ng lalaki kay Mira.

   "Edi, Salamat." masungit na sabi ni Mira.

   "Ang sungit talaga pero puwede na tatanggapin ko na pasasalamat mo."  bahagyang nangiti ang lalaki.

   "O ano nginingiti-ngiti mo dyan." Sita ni Mira sa lalaki.

   "Ang ganda mo pala kahit nakabusangot yan mukha mo, mas gaganda ka pa siguro kapag nakangiti at hindi nagsusungit."

   Bahagyang namula ang mga pisngi ni Mira sa tinuran ng lalaki kaya mabilis siyang tumalikod upang maitago ang kilig niya sa lalaki.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon