chap 5 Bitter Sweet (part 1)

3.2K 134 5
                                    

    "Iho kailangan na talaga magpa lab test ni nanay para matukoy na natin kung ano dahilan ng madalas na paninikip ng dibdib niya." saad ng doktor pagkatapos gamitin ang stethoscope.

   "Gagawan namin po ng paraan Doc, sa pagbabalik namin makakapag lab test na kami." sagot ni Spocky sa doktor.

     "Sana po Doc ay wala kong sakit at sa pagod lang ito." wika ni Aling Mira.

    "Hopefully ganoon nga sana at ipagdasal natin, heto yun reseta ipainom mo kaagad sa kanya kapag nakaramadam si nanay ng paninikip ng dibdib."

     "Thank you po Doc." sabi ni Spocky.

    "Ingat kayu sa pag-uwi." paalala ng doktor.

   Nang maka uwi na ang mag-ina sa bahay, inaya ni Spocky ang kanyang tropa't kagrupo niya sa GoVoyz sa labas mag usap.

    "Aki ano balita sa Mama mo?" tanong ni Zeke habang palinga-linga sa buong paligid ng tenement.

     Unang punta niya dito dahil bagong miyembro lang siya sa grupo.

   "Kailangan na talaga magpalab test ni Mama para makasiguro na kami sa nararamdaman niya, Ang kaso wala pa kaming pera pang gastos." malungkot na saad ni Spocky.

    "Kaya nga kami naparito Aki para damayan ka at hanapan ng solusyon ang problema mo. Yun nga tol napagdesisyunan mo na ba?" tanong ni Reyster sabay kindat ng mga mata.

    Halatang may lihim na usapan ang dalawa na nakapukaw ng pansin kay Zeke.

   "Di ko pa alam eh, bahala na kailangan ko gumawa ng paraan malapit na rin pala mag enrollment," sabay hampas ng mga kamay ni Spocky sa pader at huminga ng malalim.

    "Kung di lang badtrip sakin si Mama at di sinusulsulan ng Stepdad ko na gago , maso-solve natin yan problema mo kaso di na niya ko pinadadalhan nang direkta eh.  Sa Stepdad ko na dumadaan allowance ko kontrolado niya expenses ko." sagot ni Zeke.

   "Kaya nga tol hinihintay ko na desisyon mo. Kung oo sagot mo , solve yan problema mo kung willing ka talaga." ani ni Reyster kay Spocky.

   "Kapag naka oo ka na tol wala nang atrasan to bigatin 'tong contact ko!" dugtong uli ni Reyster.

    Napakunot nuo naman ang may kakapalan kilay, may pagka artistahin at cute na mga mata itong si Zeke na nahuhulaan na booking ang pinaguusapan ng dalawa.

    "Kung gusto mo tol samahan kita, nandito lang kaming mga tropa mo. Hindi kita pababayaan." ani ni Reyster.

    "Ou nga solid GoVoyz tayo pre di ba!" dugtong ni Zeke kahit baguhan naman to sa grupo.

   Tumango ng dahan dahan si Spocky kahit na nakayuko dibdib niya ay abot abot ang kaba.

                      **********

Samantala sa Mansion ng mga Shau-Chen...

      "Wow ang galing tlga walang kupas,"
paghanga ni Kiskey ng sunod sunod na bulls eye ang pagpana ni Aizen dahil magaling talaga ito sa archery.

      "Pag dating sa archery wala talagang makakatalo sa kanya." singit ni Lime.

      "Pero ako wala kong hilig diyan, makapagbasa na nga lang ng magazine." Muling sabi ni Lime sabay kuha ng teen magazine at napansin ang poging cover model nito.

      "Ang pogi ah kaso social media talent lang hindi artista, good luck sa career kuya." Sabay lapag ng magazine sa lamesa.

      Naupo na din si Aizen upang uminom ng kiwi and grape shake. Mtapos uminom ay na-curious din siya sa magazine na nasa lamesa.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon