*The Final chapter

2.1K 81 47
                                    


   "Mahabagin Diyos muli na naman po ako dumudulog sa inyo, nanalangin. Iligtas po ninyo ang anak kong si Aizen, si Brent at si Uncle Greg mula sa kamay ni Lance. Nag mamakaawa po ko sa inyo Lord, tulungan po ninyo kaming maging mabuti at ituwid ang aming pagkakamali, tulungan niyo po kaming magpatawad sa lahat ng taong aming di nagawan ng mabuti, Panginoon patawarin niyo po kaming lahat, bigyan niyo pa po kami ng pagkakataong magbago at patuloy na mabuhay na masaya at magkakasama Amen."

"Diyos ko po Lord, iligtas niyo po sila."

     Ito ang mahigpit na panalangin ni Mommy Ives sa kanyang silid upang pakinggan siya ng Diyos. Matapos magdasal ay lumabas upang magtanong sa mga security aid na mahigpit na nagbabantay ng mansion.

Sa isang madilim na sulok ng lumang warehouse....

      "Tama na pakiusap, pakawalan niyo na kami," boses ng lalaking sumisigaw sa kalagitnaan ng madilim na lugar.

     "Mga hayop kayo!!"

     Nananaginip ba ko ano yun naririnig kong sumisigaw. Naramdaman kong mahigpit ang pagkakagapos sa aking mga kamay. Nang tangkain ko kumilos hindi ako makagalaw. Hindi ako nanaginip totoong nakakarinig ako ng lalaking sumisigaw habang ako ay nakagapos nga talaga. Iminulat ko ang aking mga mata, Sa ilalim ng ilaw nakagapos si Brent nakahubad, umiiyak habang may taong nakaluhod sa kanyang harapan at patuloy na nagtataas baba ang ulo nito.

    "Brent!!! Anong gingawa niyo sa kanya!" 

      Tumayo si Haze mula sa pagkakaluhod kay Brent kakatapos lang ng pangbaboy niya sa taong pinakamamahal ko.

     "Mga Hayop kayo!!! Pagbabayaran ninyo pangbababoy sa mahal ko!"  Sigaw ko kay Haze.

     "Aizen..." umaagos ang luha nito at nakalantad ang pawis na pawis ang buong katawan at pati ang kanyang kaselanan.

     "Oh gising ka na pala mahal kong pinsan. Sayang patapos na si Haze nang magising ka hindi mo nasaksihan kung paano namin nilasap ang napakasarap mong Boyfriend, pero may souvenir naman na puwede mong panoorin at ulit ulitin hanggang sa mabaliw ka!" ani ni James na naupo sa isang upuan paharap sa akin.

    "Gaya ng ginawa nila Chairman Mao kung paano nabaliw ang aking ina." Muli pang sabi niya 

     "Hindi ko maintindihan James bakit mo ko tinatawag na pinsan." Nagtataka ako sa mga sinabing yun ni James. Bakit  niya ko tinatawag na pinsan.

     "Lance demonyo ka pakawalan mo ko at papatay*n kita!!!"

     "Naku naman buti pa yun jowa mo nakilala ako, Hindi mo ba nahuhulaan kung sino talaga ako, ako ito si Lance."

    "Anong nangyayari sayo Lance, anong ginawa mo sa sarili mo? bakit mo ba gingawa ito sakin. Kung gusto mo ko patayin bakit nandadamay ka pa ng iba!!!" umaagos ang luha ko sa tindi ng galit ko kay Lance totoo ngang siya ang mastermind sa mga pagtatangkang pagpatay sakin.

   
     "Papatayin naman din kita Aizen eh huwag kang magmadali, gusto ko mag enjoy habang pakunti kunti kitang ginagantihan at kapag nagsawa na ko saka kita papatayin," akmang tinutukan ako ni Lance ng baril.

     "H-Huwag, Huwag mong gawin yan, maawa ka kay Aizen! Gagawin ko lahat ng gusto mo pakawalan mo lang si Aizen." Nagmamakaawa si Brent sa kanila. Dito ko napatunayan kung gaano niya ko kamahal.

     "Wow nakakaingit ka talaga Aizen biruin mo lahat gagawin ng jowa mo makalaya ka lang.  Sobrang nakakainggit kung sabagay buong buhay ko inggit na inggit ako sayo. Ikaw yun parating bida , ikaw yun parating mahalaga sa paningin ni Chairman Mao,  ikaw yun pinaka magaling. Samantalang ako ginawa ninyo kong tau tauhan sa punye*ang Mansyon at kumpanya. Sinira niyo ang buhay ko sinira niyo ang buhay ng nanay ko!" Galit na galit na sabi ni Lance na iba na ang itsura niya. Nagparetoke siya ng mukha.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon