*chapter 33 Ang GoVoyz at JowaMoko Tea

1.2K 73 42
                                    


"Lord sana po gabayan mo po kami, Sa aming grand opening ng milktea shop. Dinadalangin po namin magkaroon kami ng maraming benta siksik at umaapaw, maraming salamat po."

"Amen." dugtong ng GoVoyz sa aking panalangin.

"Yes heto na this is it pansit." wika ni Reyster habang inaayos ang suot nitong uniform.

"Bagay ba?" tanong ni Zeke sabay senyas ng Mr. Pogi pose.

"Bagay na bagay tsong best employee ka na." Ani Kiel kay Zeke.

"Bewal ang tamed ha." paalala ng Fil-am na si Cloyd.


Matapos kong pagmasdan silang lahat na ready na unang araw ng Milktea Shop ay nakadama ako ng kaba.

"Kinakabahan ako." Bulong ko.

"Bakit naman sweetheart?" sagot ni Spocky sakin na di ko namalayan nakatuon pala sakin ang atensiyon niya.

"Hindi kasi ako masyado nakapagpromote at nakapag pa advertize. Flyers lang ang nagawa ko dahil tinipid ko na kasi yun budget para ilaan sa mga upa sa susunod na buwan pati bayad sa ilaw, kuryente at tatlong buwan na pasweldo sa inyo. Kaya kinakabahan ako kung magboboom itong Milktea Shop." Tugon ko kay Spocky.

"Think positive, kikita tayo sa first day nitong shop tiwala lang, sakin kahit libre na serbisyo ko dito sweetheart okay lang sakin." Pabiro na sabi ni Spocky sakin.

"Naku huwag na sabi ko nga di ba may nakalaan na ko para sa sweldo niyo." Salungat ko kay Spocky habang nakatingin ako sa ibang grupo ng GoVoyz.

"Gusto mo kausapin ko sila na wala munang sweldo papayag mga yan. Ako bahala makipag-usap sa kanila."

Akmang aalis si Spocky para lapitan ang mga ka-grupo ngunit mabilis kong nahawakan ang kanyang braso papalapit sa akin.

Halos isang 3 inches na lang ang pagitan sa mga mukha namin dahil magkadikit na ang mga katawan namin. Ramdam ko nakulong na ko malaki at matipunong katawan ng tinedyer na to. Madali akong napayuko sa hiya at kilig.

"Hindi ka naman makatagal sa titig ko sweetheart ah."

Walang tigil na pagbibiro sakin ni Spocky. Medyo naiilang ako sa kanya kasi hindi kasi ako kampante sa trabaho na may naglalambing o nangungulit sakin. When it comes to work focus ako masiyado at work ko lang ibinubuhos ang attention ko.

"Aki mamaya na yan biro magtrabaho muna tayo." Saway ko sa kanya.

"Hayys sorry na hindi ko kasi mapigilan sarili ko. Ang sarap-sarap mong lambingin, napakasaya ko palagi pag lagi kitang kasama." Aniya.

This young teen was so sweet and adorable. He is so irrisistable at hindi kayang palampasin na lamang yun mga effort niya para sakin.

"Ako din Aki. Masaya din ako pag kasama kita. Pero tara na nakalabas na silang lahat at tayo na lang naiwan dito." Habang sinasabi ko yun sa kanya ay binuksan ko yun pinto sabay tulak ko ng marahan upang makalabas na kami ng office.

Nakaakbay pa sakin si Spocky na lumapit kami sa kanilang grupo. Naunang naglahad ng kamay si Spocky upang gawing ang signature gesture ng kanilang grupo. Isa isa din gumaya sila Reyster, Kiel , Cloyd , Zeke at sumali na rin ako sa pagpapatong patong ng kamay nila at sabay sabi ng..

"Go GoVoyz!"

Lumipas ang dalawang oras mangilan-ngilan pa lang ang pumapasok na customer saming milktea shop, di ko tuloy maiwasan sa harap nila ang huminga ng malalim.

"Wele pa tayong customer masyado." pansin ni Cloyd.

"Ganoon talaga kakabukas lang natin eh maya maya magkakaroon din yan." paliwanag ni Zeke sabay alis upang habulin ang mga nagdadaan para mamigay ng Flyers.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon