"Pero ako parang kilalang-kilala kita, parang na meet kita sa madilim na kuwarto ng isang hotel.Napahawak ako kaagad sa braso ni Spocky ng magtikom ang kamao nito at susugurin si Lance.
"Huwag mo na lang patulan lasing lang siya kaya kung anu-ano sinasabi niya." Sabi ko.
Mabuti na lamang at umalis sila Miles dahil naiinis sila kay Lance na wala man lang nagawang tulong sa event.
"Lance puwede ba tayong mag usap?"
Huminga muna ko ng malalim saka ko siya dinala sa bahagi ng bar na walang makaririnig ng aming paguusapan.
"Lance bakit hindi kita nakita sa Fashion Show kanina?"
"Kailangan ba ko doon di ba hindi?" Magaspang na sagot ni Lance sakin.
"Ikaw ang Brand Manager, ang may hawak ng SC Apparel tumulong lang ako para ma-satisfy si Chairman ng launching ng SC Apparel."tugon ko.
"O di ba successful naman ang event dahil napakagaling mo manulot ng trabaho."
Biglang nagpanting ang tengga ko nang sabihin sakin ni Lance na sinulot ko yun project.
"Lance, hindi totoo yan gusto ko malaman mo na may balak akong magresign sa puwesto at ang gusto kong pumalit sakin ay ikaw, pagkakataon mo na para ipakita kay Chairman Mao nagkakamali siya na may kaya kang gawin sa kumpanya."
"Mag re-resign ka bakit anong dahilan?"
Parang nawala ang kalasingan ni Lance nang sabihin ko sa kanya na magreresign ako sa kumpanya.
"May gusto kong gawin para sa sarili ko, basta mangako ka Lance na gagawin mo ang lahat, para na tayong magkapatid di ba simula ng mga bata pa tayo, kaya gusto ko ikaw magpatuloy sa mga nagawa ko."
Flashback
"Kuya lance halika maglaro na tayo."
"Ayaw ko, ikaw na lang gusto kong mapag-isa tutal lagi naman akong nagiisa. Wala akong Mama at Papa tapos narinig ko kay Lolo ipapadala ka daw sa ameika para doon mag highschool, Iiwanan mo rin pala ako." Si lance na magmamaktol.
"Naku naman kaya pala nagkakaganyan, nagtatampo ka pala e di sasabihin ko kay Lolo na sumama ka na rin samin ni Kiskey sa Amerika para magkakasama tayong tatlo." Sagot naman ni Aizen para mawala ang pagtatampo sa kanya ni Lance.
"Totoo ba gagawin mo iyon?"
"Oo nga di ba pag nangako ako ginagawa ko." Wika ni Aizen sabay upo sa tabi ni Lance na nasa kama.
"Basta, pangako mo yan para magkita na kami ng Mama ko sa amerika at saka Aizen may nalaman ka na ba tungkol sa Mama ko?"
"Huwag kang magugulat Lance ha kasi nadinig ko na nasa Mental health care facility daw si Tita, tinakasan daw ng bait ang Mama mo." Malungkot na balita ni Aizen.
"Ano?? bakit nabaliw ang Mama ko, Please Aizen tanungin mo si Mommy Ives kung anong nangyari sa Mama ko,"
End of Flashback
Isang maganda at sexy na babae, morena at may katangkaran mukha itong palasali sa mga beauty pageant dahil sa dating nito nakasuot ito black na tube at ang skirt ay animal print, ang lumapit samin ni Lance habang magkausap kami.
"Excuse me, ikaw ba si Aizen Shau-chen. Nakataas ang kilay nito sakin.
"Yes but I dont think i know you miss." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Romance(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...