*chapter 18 Hopeless Romantic Macho

1.5K 91 15
                                    

Masayang nakangiti sa kawalan si Spocky "aki" habang hawak-hawak nito ang nalaglag na resibo ng mamahaling relo na ibinili ni Aizen, tandang tanda pa niya ang bawat expression ng mukha ni Aizen nang makatagpo niya ang di nakikilalang Amo ng kanyang kapatid.

Lahat ay pinagmamasdan ni Spocky nang makaharap niya si Aizen. Mula sa paglapit ni Aizen hanggang sa kausapin siya nito. Halata sa maamong mukha ni Aize, ang galit sa kanya. Kung paano gumalaw ang mapupula at pouted lips nito sa tuwing nagsasalita ito ng sama ng luob sa kanya, dumadaloy ang luha nito sa maputi at makinis na mukha.

Napangiti pa ng si Spocky nang malala niya kung paano magulat si Aizen dahil sa mga taong dumumog sa kanya para kunan siya ng litrato at video. Higit sa lahat ang reaksyon ni Aizen nang di niya sinasadyang mahalikan ito. lahat ng ito'y hindi niya malimutan sa tingin niya'y nagkakaroon na siya ng gusto sa taong pinagsamantalahan niya

Nang biglang....

"Arrrrrgh aray ko ang sakit dahan- dahan Mama."

Napabalikwas pa si Spocky mula sa pagkakasandal nito sa sofa sabay marahan na tinakpan pasa sa pisngi.

"Ngayon masakit na kanina tulala ka pa dyan at nakangiti pa." sabay pihit ni Aling Mira ng towel na may yelo sa pisngi niya.

"Nasira ko pa ata ang pagpapantasya mo." dugtong ni Aling Mira.

"O nga tol sa lahat ng sinapak ikaw lang tong parang masaya " puna ni Kiel.

"Sino ba sumapak sayo Aki, gusto mo balikan natin, resbakan na ba natin." Aya ni Reyster.

"Hoy Reyster itigil niyo nga yan resbak, resbak na yan! Anak pinalaki ko kayo ni Kuya Brent mo ng may magandang asal at lagi ko pinaalala na huwag makipag basag ulo kung kani-kanino," sabay dahan-dahan dampian ng yelo na binalot ng panyo
ang pasa ni Aizen.

"Ano ba talaga nangyari sayo" pagpupumilit na tanong ni Aling Mira sa anak.

"Wala nga po Ma, Huwag niyo na alalahanin pa isang sapak lang naman to." Saad ni Spocky sa kanyang ina na wala talagang balak ipaalam kung ano nangyari sa kanya.

"Alam ko na may ninakawan ka ng halik na chicks nuh, sa gwapo mong yan di ka ba niya type at sinapak ka pa." wika ni Reyster na pinipigilan matawa sa sinapit ni Spocky

"Baka naman kasi may jowa na yun tao kaya ka sinapak, o baka yun jowa niya sumapak sayo." ani ni Kiel.

"Kami lang dalawa nagkita, hayys oo hinalikan ko siya pero sinapak niya ko."

"Siguro di kayo talo kaya ka sinapak tomboy ata pinagtripan mo eh." ani ni Kiel.

"Ewan ko ba sa inyong mga kabataan ngayon, nagmamadali kayo masyado kaya yan sapak napala mo Aki." sabay tayo ni Aling Mira sa may cabinet at kinuha ang litrato ng asawa.

"Nagmana kayo ng kuya mo sa tatay ninyo mga babaero."

"Ganoon na talaga po ngayon Tita Mira pag guwapo ka hahabulin ka ng mga babae, hindi kami babaero sadyang habulin lang talaga."pangangatwiran ni Reyster.

Nanlabo ang mga mata ni Aling Mira di niya maiwasan maalala ang asawang si Vergel hinaplos ng mga daliri niya ang larawan ng kanyan asawa.

"Naku pagdating sa mga kalokohan ang galing-galing ninyo, ito lang masasabi ko huwag n huwag ninyo gagamitin sa kasikatan ang para makapagligaw kayo ng maraming babae." Ani ni Aling Mira.

"Makapagluto na nga, ay teka dalhin mo na nga itong pastillas sa mama mo Kiel." sabay abot ni Aling Mira kay kiel ng isang supot.

"Salamat po tita, Mga tol uwi na ko bukas na lang."

"Sige tol."

Pagkalabas ni Kiel at hinatak ni Spocky si Reyster palabas ng bahay, lumingon pa ito sa pasilyo bago nagsalita.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon