Aizen's PovNang ako'y magkamalay may naririnig akong ingay mula sa paligid. Animo'y mga katandaan nagkukuwentuhan sa ilalim ng silong nitong kubol. Nakaaamoy din ako ng nasusunog na kahoy at pagkadilat ng aking mga mata ay liwanag lamang ng gasera ang tumatanglaw sa silid.
Alam ko ang ganitong uri ng bahay na naririto ako ngayon bahay ng mga tribo nanrito na ba ko sa mga kankanaey?
Iniunat ko ang likod ko mula sa pagkakahiga bumungad sakin ang isang lalaking nagtatabako na nakaupo sa pasukan ng silid na ito. Walang pinto ang silid na ito kaya naman mula sa liwanag ng buwan ay namukhaan ko ang lalaki.
"Brent?"
Napalingon ang lalaki sa akin at sabay sabing...
"Gising ka na pala."
Nagulantang ako nang makilala ko ang
naturang lalaki hindi siya pala siya si Brent, siya ang lalaking lider ng mga tulisan noon na humarang sa amin sa pagtungo sa mga kankanaey."Nakikilala kita ikaw yun lalaking may mga armas na humarang samin sa gitna ng bundok!"
"Ako nga," walang kagatol- gatol na sagot ng lalaking rebelde.
"Huwag kang lalapit, saklolo!!" ubod lakas akong sumigaw sa takot at umaasa akong may makapagliligtas sa akin.
"Sandali huwag kang matakot." bumalik sa kinauupuan ang lalaking tulisan nang akoy mahintakutan sa kanya.
Mabilis na pumasok ng kubol ang isang matandang babae na pamilyar din sa akin, siya ang gumamot kay Cedrick nang masugatan siya ng baril.
"Maghulos dili ka narito kang muli batang dayo sa aking kubol."
"Kung gayon narito nga ko sa bangwa ni Apo Balaki." Sambit ko.
"Hindi pa batang dayo nasa kabilang ibayo ang bangwa, bukas ay magtutungo na tayo pagkagat ng liwanag." Sagot ng lalaki.
"Pero bakit ninyo siya kasama." turo ko sa lalaki.
Ngumiti ito sa akin at muling nagsalita.
"Siya nga pala siya si Vergel. Oo siya nga ang pinuno ng mga tulisan pero hindi ka na dapat mangamba dahil nagkasundo na ang mga Kankanaey at mga tulisan upang bantayan ang kagubatan. Nang dahil sa tulay na ipinagkaloob niyo sa amin nagkaroon ng pagkakaisa ang bawat panig namin."
Nagtungo si Nana Uding sa lamesa upang bigyan ako ng makakain.
"Kumain ka na at pagkatapos inumin mo itong nilagang dahon makakatulong ito sayo para makabawi ka ng lakas."
"Mabuti na lamang at pumunta ako sa pamilihan saktong naroroon ako sa lugar na yun ng mawalan ka ng malay at ngayon ka na lang nagkamalay." Sagot na nagngangalang Virgel.
"Paumanhin kung natakot kayo ng mga kasamahan mo noong paakyat kayo ng bundok." patuloy nito.
Tinitigan ko ng mabuti ang lalaking ito na edad humigit singkwenta, kamukhang kamukha niya si Brent lalo pa ngayong wala siyang balbas at bigote.
Matapos kong lunukin ang unang subo ko ng pagkain ay nangahas akong magtanong kung ano ang buo niyang pangalan.
"Mawalang galang po maari ko po bang malaman ang buo ninyong pangalan."
Pinatay nito ang tabakong may sindi.
"Kilala kita ikaw ang apo ng mayamang nagmamay ari ng Shau-chen Corporation."
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Romance(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...