Hi guys promote ko lang ang
Blind Date With My Evil Editor,
Pa-support po mga beloved readers.Thanks stay safe palagi.
********Madaling araw pa lang ng bumiyahe sila Brent at Aizen patungong Tagaytay upang dumalo sa Hongkong-Philippiness Business Club Conference na gaganapin sa Tagaytay. Isa itong pagtitipon ng lahat ng mga entrepreneur na may base sa Hongkong at dito din sa ating bansa, pang-pito sa nangungunang kumpanya ang Shau-chen Corporation. Inaasahan ang pagdalo ng miyembro ng pamilya ng Shau-chen. Inatasan ni Chairman Mao si Aizen na dumalo bilang representative ng kanilang kumpanya.
Ayon sa utos ng Chief ng Security Team ng pamilya Shau-chen, upang mailayo si Aizen sa mga magtatangka sa buhay nito 2 days pa lang bago ang event ay nauna ng nagtungo sila Brent at Aizen. Susunod na lamang ang ibang matataas ang katungkulan sa kumpanya sa mismong araw ng event.
Buong biyahe ay natutulog si Aizen at kahit naka seat belt ang Vice President, todo sa pagbabantay sa Brent na maya't maya ay tinitingnan niya si Aizen. Bullet proof ang sinasakyan nilang kotse at pati ang ayos ng pananamit nila ay casual lang para magmukhang mga ordinaryong tao lamang, malayo sa kasanayan na suot na suit o kaya polo barong na off white. Maski ang phone at kotse na sinasakyan nila ay naka track gamit ng gps. Bukod dito may isa pang kotse na may sakay pang mga security personnel na nakasunod sa kanila 500 meters ang layo sa kanila kaya well secured at namomonitored ng headquarters sila Brent at Aizen.
Maya't maya ay pinagmamasdan ng nakabibighaning mga mata ni Brent si Aizen sa pagtulog, nandyan yun aayusin ang ulo nito sa pagkakasandal sa upuan o kaya'y pasimpleng dadampian ng daliri ang mukha nitong natutulog.
Umaga na nang makarating ng bandang Silang sa cavite ang bagong couple. Nagising mula sa sikat ng araw si Aizen.
"Good morning Zen-Zen." saglit na tumingin si Brent kay Aizen at ngumiti, nakasuot ito ng shades na lalong nagpagwapo sa maskuladong bodyguard.
Umunat ng katawan si Aizen tumingin sa wind shield ng sasakyan at bahagyang nasisilaw.
"Morning too, Nasaan na tayo?" tanong ni Aizen kay Brent nang napansin niyang umiinom ng buko sa plastic cup.
"Gutom ka na ba sana nagdrop by muna tayo sa convenient store." sabi ni Aizen.
"Bumili ako kanina nito sa naglalako, ayaw ko muna kasing magising ka." sagot ni Brent.
"Bakit naman?"
"Para hindi ka antukin sa mga pupuntahan natinm." sabay ngiti ng matamis nito kay Aizen.
"At saka di pa naman ako gutom, gusto mo na ba magbreakfast na tayo?" sabi ni Brent sabay kamot nito sa garter ng shorts
Nanglaki mga mata ni Aizen ng mapansin niya kinamot ni Brent ang shorts nito nawala siya sa sarili ng sandali.
"Gusto mo ba yun sikat dito, yun pancit buko at saka yun bulalo na di nagsesebo kahit lumamig na?" suhestiyon ni Brent.
"Brunch?" tanong ni Aizen.
"Puwede para makagala na agad tayo dito." patuloy ni Aizen.
Pagkarating nila sa isang restaurant na kilala sa pansit buko at bulaluhan lahat ng tao ay nakatingin sa kanila. Si Brent na naka sleeveless na grey na may hood at shorts, kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito at pumuputok na muscles ng mga braso nito. Samantalang si Aizen naka sweatshirt long sleeves, shorts at slippers na naka medyas. Natawa si Brent nang tingnan niya mula ulo hanggan paa si Aizen para silang model ng summer at winter fashion sa ayos nila.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Romance(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...