Lumipas ang ilang araw at hindi ko pa rin nakakasama si Brent, patuloy pa rin siyang nagpapagaling sa hospital na pag-aari ng pamilya namin. Gustuhin ko mang tumakas upang makita si Brent pero hindi maaari dahil sa mahigpit pa rin ang pagbabantay saking seguridad.Dito sa isa mga property ko na isang bahay, kasama ko sila Kiskey at Cedrick at ilang mga bodyguards na nagbabantay sa amin. Bukod pa sa mahigpit na mga security nitong subdivision kulang na lang ay isipin kong mga preso kami.
Para kong mababaliw sa kakaisip kay Brent. Madalas ko siyang naalala. Kahit na pagurin ko pa ang sarili ko sa buong araw na pagtratrabaho. Madalas ko pa rin iniisip si Brent, hindi ko naman siya matawagan dahil ipinagbawal muna ni Chief; ang head ng security na nangangalaga sa kaligtasan ng aming pamilya ang pag gamit namin ng phone. Nagkaroon kasi ng security breach sa mga linya ng aming telepono kung kaya nati-trace ang mga activities ko noon ng mga gustong pumatay sakin.
Sa tuwing lulubog ang araw ay nasa balcony ako at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Iniimagine kong kasama ko si Brent masaya kaming nag uusap, nagkukuwentuhan at nagkukulitan. Sa kanya na umiikot ang mundo ko kaya hindi ko ma-imagine na wala siya sa buhay ko, ilang araw pa lang ay namimiss ko na siya kaagad.
Parati naman gumagawa ng paraan sila Kiskey at Cedrick upang pasayahin ako at makalimutan saglit si Brent pero parati ko siyang naaalala sa tuwing may bonding kami apat talaga kaming magkakasama sa condo at sa pamamasyal kaya hindi ko pa rin maiwasan malala si Brent.
Isang gabi inaya ko silang uminom ng wine, nag-ihaw kami ng barbecue at request ni Cedrick na relyenong bangus habang nagkakantahan kami, maski papaano ay naging masaya kahit tatlo lamang kami. Tumagal ng apat na oras ang aming pagsasaya saglit akong nagtungo sa Cr upang umihi pagbalik ko'y wala na si Kiskey.
"Nasaan na si Kiskey?"
Habang binabalanse ko ang aking mga hakbang pabalik sa sofa kung saan ako nakaupo.
"Ayun natulog na, ang hina talaga uminom ni Sec. madaling pala malasing yun." sagot ni Cedrick.
"Hindi naman kasi siya umiinom madalas kaya madaling malasing."sagot ko.
Pagkaupo ko ay sumandal muna ko dahil medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo. Muli pa kong tinagayan ni Cedrick sa baso sabay tanong ng...
"Ano kaya pa ba Vice President Aizen?"
"Kaya pa naman kaso last na yan medyo nahihilo na kasi ako." Tugon ko.
"Sakto na lang pala para satin tig-isa itong laman eh." wika ni Cedrick ng simutin ang bote ng wine.
"cheers." aniya.
Nakipag toss naman ako ng baso sabay inom ng wine. Pagkatpos kong maubos ang baso muli akong sumandal dahil umiikot na mga paningin ko masyadong matapang ang wine na nainom namin.
"Aizen, Okay lang po kayo."
Namamalik mata ba ko nakabalik na si Brent, totoo ba ito nasa harapan ko na si Brent at tinatapik ang aking braso.
Bigla kong kinabig si Brent para yakapin lumambitin pa ko sa kanyang leeg na madalas kung gawin kapag naglalambing ako sa kanya.
"Aizen, Lasing na lasing ka na ako to si Cedrick."
"Ce-cedrick?!" Saad ko sabay pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya ou nga si Cedrick nga.
Pero nakakapit pa rin ako sa kanya habang nakatitig sa kanya. Nakahawak si Cedrick sa sandalan ng sofa upang hindi ka kami mapahiga.
"Mahal na mahal niyo talaga tropa ko, napakaswerte talaga ni Brent sa inyo."
Unti-unting kumalas ang mga kamay ko na nakalingkis sa leeg ni Cedrick medyo nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Ganito palagi ang ayos ni Brent pag kami lang sa kuwarto nakaboxer shorts lang kapag natutulog kaya tuloy na imagine kong Si Brent ang nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Storie d'amore(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...