*chapter 28 Mapait na katotohanan

1K 70 22
                                    


"Magandang gabi Zenzen, nagustuhan mo ba surpresa ko sayo, namin sayo?" Tanong ni Brent sakin.

"I think lahat ng ito planado mo Hubby tama ba ko?" Ibinalik ko ang tanong kay Brent.

"Oo Zenzen lahat ito ay planado, sa hospital pa lang habang ako'y nagpapagaling nag-isip na ko ng surpresa para birthday mo." Sagot sakin ni Brent.

Dahan-dahan humakbang sakin si Brent papalapit sakin. Napansin kong may hawak siyang three white roses.

"As in? Pati sila pinaki usapan mo. nakakainis ka talaga akala ko hanggang dito nasundan tayo ng mga nagtatangka sa buhay ko."

"Ang totoo niyan magmula sa pag payag ni Chief na magbakasyon dito ay kasama yun timing lang na may kakilalang Congressman si Miles kaya heto nandito tayo sa tagong isla ng Antique." sabay abot ng bulaklak ni Brent ng bouquet.

"Happy birthday to my one and only love, to my future and last, ang aking anghel na nagbigay at naging daan ng pagbabago ko, ang magiging partner ko habang buhay, sa magiging Mommy o daddy ng aking magiging anak, Happy Birthday sayo Aizen."

Hindi maalis alis ang pagkakapako ng tingin ko kay Brent. I can feel the sincerity sa mga sinasabi niya. I know na nakatingin silang lahat samin, sa tipo ko na concious ako sa sasabihin ng mga tao. And then here we are both guy ni Brent sharing sweet intimacy tonight. Hindi ako nakakaramdam ng hiya o pagkailang sa grupo ni Spocky maski kanila Miles at sa kapatid kong si Lime.

"Teka I cant find words to say, Im totally speechless." para kasing may nagbara sa lalamunan ko.

"Thank you so much Brent at palagi kang nariyan sa akin. All the time nililigtas mo ko sa panganib, wala na ko mahihiling pa sa buhay ko kundi makasama kita habang buhay."

At last matapos ang ilang segundo na wala akong masabi pero the spoken of my heart yun ang nasabi ko kay Brent. I really love him so much.

Niyakap ko si Brent nang mahigpit habang naririnig kong nagpapalakpakan sila Lime, Miles, Floy, Kiskey at pati ang GoVoyz.

"Pero nasaan ang cake ko hindi ko ata nakikitang may handa ng tayo, Nagugutom na kaya ako?" Baling ko sa kanila.

"Naroon sa kabilang cottage doon namin inihanda habang natutulog ka at para hindi mo makita." Sagot sakin ni Brent habang kinuha niya ang kamay ko para isayaw ako.

Matagal din kaming nagsayaw pero nag-aya na ko kay Brent. I know simula nang dumating kami dito sa isla ay hindi pa kami kumakain.

"Tara na nagugutom na ko." Casual na sabi ko. Maglalakad na sana ako ng awatin ako ni Brent.

"Wait lang Zenzen."

Paglingon ko ay lumuhod si Brent sabay dukot sa bulsa ng singsing na nakalagay sa jewelry box. Natulala ako sa ayos ni Brent.

"Omg ayan na!!" Dinig kong sigaw ni Miles.

"Ayiehh kinikilig ako." Sigaw din ni Floy.

Natitigilan ako at di makapagsalita habang nakatingin ako kay Brent. Seryoso ang mukha niya habang iniaalay ang singsing simbolo ng pagmamahal niya.

"Brent..."

"Gusto kong habang buhay na tayo magsama Aizen, Nangangako akong aalagaan at iingatan palagi, Marry Me Aizen Shau-chen."

Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan, hindi ko inaasahan ang pag propose sakin ng kasal ni Brent. Mixed emotions actually ganito ba ang feeling ng bibiglain ka ng aya ng kasal. Sa una ay makakardam ka ng pagkabigla , sobrang saya at pangamba sa bagong tatahakin kabanata ng iyong buhay; ang buhay may asawa. Pero paano kami mabubuhay ng normal kung may mga taong hindi tanggap ang ganitong uri ng relasyon, hanggan saan namin dadalhin at isasakatuparan ang pangarap namin. Brent wanted our love to be forever yun lamang ang sagot sa mga pag aalinlangan ko.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon