*chap 15 sweetness overload

1.7K 86 10
                                    

Aizen pov

SAGADA EXPEDITION part 1

"Saklolo, help, tulungan niyo ko ayoko pang mamatay."

Pilit akong kumapit sa mga ugat ng puno sa gilid ng bangin, habang ang isang kamay ko'y nakakapit sa bato. Puno na ng dugo ang aking kamay dahil sa matitihas na ugat na aking kinakapitan, ayaw kong bumitiw. Hindi pa ko handang mamatay.

"Saklolo tulungan niyo ako, God please help me ayoko pang mamatay! Tulong saklolo!"

Bumuhos ang mga luha ko sa takot ng masilip ko napakalalim na bangin babagsakan ko. Pilit ko pa rin inaabot ang pinaka malaking ugat ng puno, ngunit ang lupang nasasayaran ng aking katawan ay malapit ng gumuho. Nawawalan na ko ng pag-asang makaligtas, habang akoy umiiyak isa-isa kong naalala ang mga di ko malilimutan pangyayari sa buhay ko, ang pamilya ko, ang kaibigan kong Kisky, si Brent na pinakamamahal ko. Paano na kung hanggan dito na lang buhay ko.

"Aizen, abutin mo ang kamay ko, kumapit ka lang wag kang bibitaw!" sigaw sakin ni Brent.

Kumapit akong mabuti sa kamay ni Brent, bigla siyang naglaho at ang mga kamay na hawak ko na ay naging kay lance. Nakakakilabot ang mga ngiti niya nakiusap akong tulungan niya ko ngunit dahan-dahan niya ko binitiwan.....

"Huwaaaagggg!!!!" sigaw ko nang maimulat ko ang paningin ko.

Bigla akong nagising nakita kong nasa tabi ko si Kiskey at Brent. Ibinangon ako sa maliit na convertible bed couch sa likod ng customize van, napagtanto kong bumabyahe pala kami papuntang Sagada.

"Nanaginip ka ay Aizen." sabay akbay sakin ni Brent at hinalikan ako sa noo.

"Sobrang pagod at puyat mo na Aizen, mas mabuting dito na lang tayo sa Benguet at mag check in tayo sa hotel. Magpahinga ka na muna." sabay abot sakin ng tubig ni Kisky.

"2 hours or 3 hours na lang malapit na tayo kaya bakit pa tayo hihinto? Second gusto ko maiabot ng pormal sa tribo yun mga handog natin sa kanila kapalit ng alinuoy fabric at yun plano para sa tulay na gagawin. Remember sabi ni Kapitan di basta-basta nakikipag usap chieftain ng tribo nila sa kung sinu- sino."

"Sige tatawagan ko na si Kapitan at mga tour guide para mag ready na sila sa pagdating natin." Sagot ni Kiskey

"Baka magkasakit ka naman sa sobrang sipag mo." pag aalala ni Brent.

"Once na makuha natin itong miracle fabric." malaking breakthrough ito sa fashion at textile na yun tela na nila na pwede kahit na kahit anong season pa, kapag tag init malamig sa katawan ang tela or vice versa mangunguna ang company sa lahat ng textile manufacture industry."

"Pangako pag nagtagumpay tayo bago end of year magbabakasyon tayo sa States." Patuloy ko.

"Wow sama ako dyan." sabi ni Cedrick na nagmamaneho ng aming sasakyan

"Yehey may pa surprize ka naman pla best. Pero make sure na okay ka lang ha." Kiskey reminded me again.

Saglit akong natahimik di mawala sa isip ko ang panaginip ko, ano kaya ibig sabihin nun?

Nang marating namin ang Bontoc nagtagpo ang aming team at grupo nila Kapitan at mga kasama niyang tour guide ng Department of tourism at ilang kasandaluhan sa munisipyo. Ipinayo samin na kumain dito sa Bontoc Town dahil kelangan malakas kaming aakyat ng bundok, mula rito'y iniwan namin ang mga van at sumakay na ng tricycle. Natuwa ako sa hiyawan nang mula sa malayo nakikita na namin ang mga kakayuhan at bundok. Napahinto ang aming grupo dahil naisipan nilang kumuha ng litrato sa very captivating na tanawin. It is truely na isang great painter si God, para sa mga tourist at traveller dahil sa madaming napakagandang tanawin sa Pinas.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon