Aizen PovDumating na ang araw na ipinasya kong ako'y magbabalik na sa siyudad. Nagtitipon tipong ang lahat ng tribo kasama si Apo Balaki at Anaod.
Masaya akong nagpaalam sa mga tribo ng kankanaey, may mga bata pang napaiyak na yumakap sa akin habang akoy kumakaway sa kanila. Mga batang napalapit na sakin na naging aking mga mag aaral. Kasama kong bababa ng bundok si James at ihahatid naman kami ni Lantian at ang ama ni Brent na si Vergel.
Pagkarating namin sa paanan ng bundok at hinarap ko si Mang Vergel para tanungin kung kailan siya magbabalik sa pamilya niya.
"Matagal na pong nasasabik ang inyong pamilya na makita kayong muli."
"Huwag kang mag-alala anak may tamang panahon para sa aking pagbabalik, inihahanda ko lang ang kanang kamay kong si Ambo na papalit sa akin at may katigasan kasi ng ulo ang isang iyon." Sagot ni Mang Vergel.
"Kapag nakahanda na ko ay susurpresahin ko sila isang araw. Ikuwento mo sa kanila na nagkita tayo pero sa ngayon iyakap mo na lang muna ako sa kanila," mahigpit akong niyakap ni Mang Vergel naramdaman ko kung gaano siya kasabik makita ang kanyang pamilya.
"Magiingat kayo Batang dayo, Paalam hanggang sa muli," sigaw ni lantian habang naglalakad kami papalayo.
Nagpatuloy na kami ni James sa paglakad hanggang sa makarating kami sa daanan ng mga sasakyan bumibyahe papuntang downtown.
"So, ano na plano mo?" tanong ni James.
"Sasama muna ko sayo gusto ko maexperience ang trabaho mo bilang isang forest ranger at malaman ko kung gaano ka seryoso sa mga advocacy mo sa pangangalaga ng kalikasan." Sagot ko naman.
"Sakin walang problema pero hanggan ngayon hindi ko pa alam kung ano pumasok sa isip mo ang mamundok kasama ang mga tribo, interesado ko malaman ang tungkol sa buhay mo." ani James.
"Yun lang ba edi umpisahan ko na habang bibiyahe tayo sakay ng bus na yun." Masayang sabi ko.
"Tara na malapit na yun bus."
Napatingin ako sa paparating na bus. Pagkahinto ng bus ay sumakay na kaming dalawa ng bago kong kaibigan.
************
Sumama ako kay James at nagtrabaho bilang tour guide sa mga umaakyat o nagtre-treking. Ibang sigla ang nararamdaman ko sa tuwing umaakyat ako ng bundok, lumalakas ang katawan ko hindi tulad noon na ramdam na ramdam ko malalang sakit ko. Naisip ko tuloy na binigyan muli ako ng lakas ng kalikasan upang muling mabuhay na masaya at magpatuloy na lumaban pa sa buhay.
Nag-iiba din pala pananaw mo sa buhay kapag malayo sa dati mong kinagisnan ang bagong lugar na ginagalawan mo sa ngayon.
Isang bagong assignment ang ibinigay sa amin ni James kung saan magbabantay kami ng mga estudyanteng magsasagawa ng tree planting sa isang bundok sa bulacan. Kaya maaga pa ay tumulak na kami ni James kung saan magsasagawa ng tree planting.
Nag eenjoy ako sa kakulitan ng mga estudyante habang sila ay nagtatanim ng puno naalala ko si Brent. Ang mga kulitan namin ni Brent habang umaakyat kami ng bundok. Matapos magtanim ang mga estudyante ay nagtipon-tipon kaming lahat malapit sa headquarters ng tree planting area upang makapagpahinga . Nanglaki ang aking mga mata nang makita ko sa hanay ng mga estudyante, ang isang grupo ng mga lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin. Ang grupo ng GoVoyz.
"Bakit sila narito? Mga estudyante sila ng Saint Matthews Academy, Kung narito ang mga miyembro ng GoVoyz siguradong narito din si Spocky, Hindi, hindi maaring makita nila ako!"
Mabilis akong umatras sa kinatatayuan ko ngunit huli na nakita na ko ni Spocky at mabilis itong tumakbo papunta sa akin.
Nilisan ko kaagad ang lugar kung saan nag-uumpukan ang mga katulad kong tour guide para makalayo kay Spocky. Mabilis akong nasundan ni Spocky at naabutan niya ko sa headquarters ng facility ng tree planting.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Romance(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...