special episode part 1.

1.4K 34 0
                                    


"Bagay ba sakin blue na necktie o red na necktie?" tanong ko kay Kiskey.

"Kahit ano puwede sa gray na suit niyo President?" Tugon sakin ni Kiskey, ang aking Executive secretary.

"Bagay na bagay sa inyo Sir lalo kung may kasama kayong guwapong Bodyguard." wika ni Cedrick.

Kitang-kita ko sa reflection ng salamin na kaagad na siniko ng security Aid na si Brent ang kaibigan niyang si Cedrick.

"Mas gusto ko itong red na necktie." Pagkasabi ko nito ay inlagay ko na sa leeg ko ang red necktie na napili ko.

"Tapos itong blue na necktie kanino kaya bagay?" Baling ko sa kanila.

Tumayo ako sa harapan ng dalawang security aid ko at masusi ko silang pinagmasdan. nakahalukipkip pa ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ko nakatukod saking baba.

"Mas bagay sayo to."

Hinatak ko ng mabilis ang black necktie ni Brent kaya napasama ang leeg niya sa pagkakahatak ko.

"President." saad ni Brent.

"Yuko ka pa hindi ko abot eh." Ma-awtoridad kong utos kay Brent.

Malapit na malapit na ang mukha ni Brent sa mukha ko pero ang mga mata niya'y nakatingin sa bandang gilid, halatang naiilang at umiiwas ng tingin sakin.

"See mas bagay sa uniform nio blue necktie, hindi black necktie. " sabay ngiti ko.

"President baka makita po ako ng mga superior ko...."

Pinutol ko na ang mga sasabihin pa ni Brent.

"Kung may sumita sa inyo, ako ang bahala."

"Sayo na itong stripe na necktie Cedric, okay ba sayo ang brand na Armani.

"Opo naman po President hindi ko aayawan ito. Ang mahal kaya nito nakita ko sa mall."

"Good sa iyo na lang yan." Sabi ko.

"Shall we." Aya ko sa tatlo matapos kong muling tingnan ang sarili ko.

"Sige po President nakahanda na ang lahat." Sagot sakin ni Kiskey.

"Wait, Pakikuha nitong mga paper bags at pakipasok sa closet ko."

Kaagad naman sumunod ang dalawa, kinuha nila ang mga paper bags sa kama ko at tumungo sa closet ko.

"Tara Kiskey takbo."

"Huh bakit?" Nagtatakang tanong ni Kiskey.

Hinatak ko bigla si Kiskey para tumakbo, magpapahabol na naman ako sa mga bantay ko. Mabilis kaming nakalabas ng malaking kuwarto ko. Nadinig ko pang tinatawag ako ng mga bantay ko.

"Bilisan mo Kiskey mabibilis tumakbo mga iyon." Natawa pa ko habang sinasabi ko yun.

"Aizen, nangungulit ka naman ba? tingnan mo sila oh kawawa naman sila humahabol satin."

Halos matisod-tisod pa si Kiskey na tumatakbo habang hatak ko ang kanyanv kanang kamay.

"Bakit ka maawa dyan naiinis nga ko sa kanila parati sila buntot ng buntot. dito tayo sa kaliwa." Utos ko.

Lumiko kami pababa sa kaliwang bahagi ng mansyon. Naalala ko noong bata pa ako na madalas kong pagtaguan ang mga bantay o di nmn kaya'y magpahabol. Tuwang tuwa naman ako tuwing ginagawa ko iyon.

Dumaan kami sa kitchen para tuluyan na makatakas sa dalawa. Ang araw na ito ay mahalaga sakin, kaarawan ngayon ni Papa na matagal nang namayapa. Tuwing dumarating ang araw ng birthday ni Papa ay maghapon kaming namamasyal sa kung saan-saan. Ngunit nang namatay na si Papa ng bata pa ko, simula noon ay hindi na ko nakakapunta sa ibang lugar para makapamasyal at makapagsaya. Tanging si Papa lang ang nakakagawa na makaalis kaming dalawa sa mansyon na walang kasama at bantay. Hindi katulad ni Mommy Ives na parating kasa-kasama mga security aid niya.

My Bodyguard My Lover  BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon