Kiskey pov"Aizen, kumain ka na ng breakfast kagabi ka pa hindi kumakain."
Bitbit ko ang tray na may lamang tuna sandwich, scrambled eggs at creamed coffee. Lahat ng ito'y paborito ni Aizen baka sakaling kumain siya.
"Paborito mo lhat ng ang hinanda ko." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Wala kong gana kumain Kiskey." biglang bangon ni Aizen halatang magdamag itong umiyak at namumugto pa din ang mga luha.
"Alam ko mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon Aizen pero huwag mong hayaan magkasakit ka."
Naupo ako sa gilid ng kama matapos kong ipatong sa nightstand ang tray.
"Hindi rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko, pero magpakatatag ka Aizen malalampasan mo din itong suliranin mo gaya ng mga ibang mabibigat na problema na pinagtagumpayan mo." Wika ko kay Aizen para magkaroon siya ng lakas ng loob.
"Mahal na mahal ko si Brent sa kanya na umiikot ang mundo ko pero kapatid ko pala siya. Hindi ko alam kung paano gagawin kapag nagkaharap kami. Naaawa ako sa kanila, nagiguilty ako sa kasalan nagawa ni Mommy Ives at ng Ama namin."
Umagos muli ang mga luha niya sa pisngi.
"Aizen sa ngayon, Wala ka pang maaaring gawin hayaan mo muna lumipas ang mga araw, ako din nalulungkot sa nangyayari. Ang isipin mo muna kalagayan mo, hindi ka naman matitiis ni Brent alam mo naman di ba lahat gagawin niya para sa ikabubuti mo. Kaya kumain ka na" Patuloy pa rin ako sa pagkumbinsi kay Aizen.
"Noon yun pero iba na ngayon hindi man niya sabihin pero alam kong galit na galit siya sa pamilya ko. Nakita ko reaction niyl Brent nun huli, nakapagtimpi pa siya noon pero paano kung maski ako isumpa niya sa galit."
"Haays ang hirap naman, noon walang tutol sa inyo heto naman ngayon magkapatid pala kayo, What a small world. Pero sige na kumain ka na, medyo nangangayayat ka na kasi Aizen may dinaramdam ka ba?"
Umiling lang si Aizen bilang tugon sa tanong ko hawak nito ang attache case na kinuha niya sa lamesita.
"Tungkol sa gagawin mo today ito lang kasi pinipilit ako ni Uncle Greg na magpunta ka ng clinic."
Lumapit ako ng husto kay Aizen para pilitin itong kumain.
"Kaya kumain ka na para pagdating ni Cedrick maayos ka nang iiwan ko. Nagrequest na ko ng bodyguard na makakasama na muna natin pansamantala kasi nagfile ng leave si Brent para bantayan ang Mama niya."
"Kiskey may ipapagawa ako paki-file lahat ng dineclaire kong mga assets at properties ko, gusto ko naka ayos lahat at paki-ingatan itong attache case."
"Okay bukod dito may nais ka pa ba ipagawa?" Tanong ko.
"Yun na lang muna kung sakaling mawala ako kaagad mo buksan ang lamang ng attache case na yan."
Inisip kong magbabakasyon ulit si Aizen o magstay muna siya sa New York para hintayin na ang panganganak ni Barbarra.
"Huh bakit saan ka pupunta? Pupunta ka ba ng New York ulit?"
"Basta ano man ang mangyari ingatan mo mabuti laman niyan."
Hindi ko kaagad naisip na mamamaalam na sakin si Aizen, ang inintindi ko lang ay ang utos niya dahil bilang secretary ni Aizen sa mahabang panahon at kaibigan matalik. Palagi kong sinusunod ang mga gusto niyang ipagawa sa akin.
**********
Aizen Pov
Narito na kami ni Cedrick sa hospital na pag aari ng aming pamilya Shau-chen. Kasama kong pumasok ng opisina ni Uncle Greg si Cedrick dahil ipinagbilin niya kay Kiskey na kailangan samahan ako sa pagpapatingin.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Romance(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...