Aizen POV
Ang sakit ng noo ko di ko alam kung saan tumama ang ulo ko mula sa pagkakabangga. Hinanap ko ang phone ko para makahingi ako ng tulong kanila Mama ngunit wala kong makita sa driver seat. Hinampas ko ang manibela sa galit dahil hindi ko makita ang phone ko. Tningnan ko din sa backseat ngunit wala. Maiiyak na ko pero nanumbalik saking isipan na may tinatakasan ako, mabilis akong bumaba ng sasakyan para makaalis agad at makahingi ng tulong sa mga tao.
Pinuntahan ko ang nakikita kong pamilihan sa di kalayuan, mabuti na lamang at walking distance ito. Nang marating ko ang pamilihan ay agad akong humingi ng saklolo.
"Tulungan ninyo ako may humahabol sa akin mga masasamang tao."
Ngunit ang mga tao'y pinalibutan lang ako at wariy nagtataka o di kaya mga nag-uusyuso lamang sakin.
"Anong nangyari sayo bat dumudugo ang sintido mo?"
"San ka ba galing iho?"
"Bakit ganyan ang suot mo?"
Mga paulit-ulit na tanong ng mga tao na di ko na pinag aksayahan ng panahon sagutin dahil kailangan ko makahingi ng tulong at makalayo sa lugar na ito.
"Kuya oh takpan mo sugat mo." inabot sakin ang face towel ng isang batang nagtitinda ng pambalot na plastic.
"Thank you, bata maari bang ituro mo sakin kung saan may clinic dito." habang idinampi ko ang towel sa aking nagdurugong sintido.
"Bata saan may doktor dito?" Muli kong tanong.
"Doon po may hospital deritso lang po." sagot ng bata.
Kaagad kong sinunod ang bata nakakailang hakbang pa lang ako ng muling nanlalabo ang aking paningin tila hihimatayin ako sa pagod , gutom , init ng araw at sanhi na rin ng pagkabangga ko sa sasakyan bago pa ko mawalan ng malay ay may isang lalaki ang nakasalo sakin.
***********"Mababaw lang naman ang sugat niya heto ang reseta ng gamot niya nakalagay na rin dyan kung ilang beses sa isang araw siya iinom ng gamot."
Boses ng isang babae ang naririnig ko nanlalabo pa rin ang mga mata ko kasunod.
"Sige po Doc." sagot ng pamilyar na boses ng lalaki.
"Doc maari ko bang iwan muna siya dito, Aasikasuhin ko lang po masasakyan namin papuntang Maynila." aniya
"Sige pero balikan mo din siya agad."
Muli na naman ako nawalan ng malay marahil sa sobrang stress at hilong nararamdaman ko.
Ala sais ng gabi....
Nang ako ay magising bahagyang nabawasan na ang aking hilo. Bumangon ako para alamin kung nasaan ako mukhang nasa maliit akong clinic at nasa harap ko ang isang lalaking nakatalikod naka suot ng medyo fitted na muscle shirt, jeans na shorts at sneakers.
"S-sino ka?" tanong ko.
"Gising ka na pala heto kumain ka na muna para makainom ka na daw ng gamot." aniya.
Sa itsura ng lalaki ay mukhang masayahin to mahaba ang mukha nito matangos ang ilong , slicked side with undercut ang buhok nito. May pagka chinito at moreno. napansin kong naiiba ang boses niya kumpara sa taong tumulong sakin para makatakas sa mga kidnaper.
"Sino ka ba? bakit ako magtitiwala sayo? baka kasama ka sa mga masamang taong nag kidnap sakin!" sambit ko habang nakakadama ng tensiyon.
"Ako? sa pogi kong to kidnaper, kung kidnaper ako malamang kanina pa kita tinangay. Maliit lang ang clinic na 'to ni wala ngang bantay, very easy lang kitang mailalabas dito."
BINABASA MO ANG
My Bodyguard My Lover BxB Love Story
Romance(Ang istorya na ito ay naglalaman ng eksena hindi angkop para sa mga below 18) "Love is found in unexpected places and time", "love has no gender and bounderies"yes indeed pero minsan mahiwaga ang buhay ng tao. Minsan mapait ang tadhana, pinagtatagp...