Chapter 6:

2.3K 70 0
                                    

THREE days had past and she felt better now. All thanks to Voxx who took care of her in the past few days. He cooked her meals, he reminded her when to take her medicines, and he never let her work even in simple household chores.

Ayaw kasi ng binata na mapagod siya dahil iyon ang sabi ng doktor. Dito din niya mas nakilala ang binata. Nalaman niyang maalaga naman pala ito at mabait minsan kapag sinusunod. Magaling at masarap din itong magluto kaya naman napakaswerte niya sa so-called-nurse slash yaya niya in three days.

Si Voxx ang nag-alaga sa kanya at talagang naglinis pa ito ng bahay niya kapag tulog siya. Palagi nitong pinupunasan ng yelo ang dalaga hanggang sa bumaba ang kanyang lagnat.

In her entire life, she never felt how to be taken care of. Simula kasi nung maglayas siya sa mga magulang niya dahil black sheep siya sa pamilya niya ay natutunan niyang magsumikap at alagaan ang sarili na walang tulong galing sa iba.

Wala naman talagang pakialam ang pamilya niya sa kanya kaya naman noong naglayas siya ay pakiramdam niyang masaya pa ang mga ito. Pero matagal na iyong kinalimutan ni Celine. All she can do right now is to accept the past and moved on.

Kaagad siyang lumabas ng banyo matapos siyang maligo. She misses the refreshing water! Dinadama niya ang bawat pagdampi ng tubig sa kanyang katawan. Tatlong araw na din kasi siyang walang ligo dahil sa lagnat.

"Asan na ang lalaking iyon?" She asked herself. Hinanap niya sa buong bahay si Voxx matapos siyang magbibis ng damit subalit hindi niya ito nahanap kahit anino man lang.

Napakamot naman siya sa ulo. "Baka umuwi siya saglit sa bahay niya."

Gusto niyang makausap ang binata ngayon na magaling na siya upang mapasalamatan ito. Subalit ilang oras na siyang naghihintay sa loob ng bahay niya ay hindi pa bumabalik ang binata.

Hanggang sa gumabi na ay wala pa din ang binata at kanina pa siya naghihintay dito. Parang bula na nawalang bigla na lamang ang binata. Pumasok nga lang siya saglit sa banyo pagkatapos ay wala na ito paglabas niya.

"Baka busy lang siya." Pinipilit niyang inaalis ang mga nabubuong negatibong konklusyon sa kanyang isipan. Alam niyang hindi siya basta-bastang iiwan ng binata dahil walang kwenta lang ang pag-alaga nito sa kanya sa loob ng tatlong araw kung iiwan lang siya nito na walang paalam.

Hours became days and days became a week. Nakabalik na nga sa trabaho si Celine subalit hindi pa din niya nakikita ulit ang binata.

Inaamin niyang gusto niyang putulin kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa subalit hindi niya alam kung bakit hinahanap hanap niya ang presensiya nito. Kung minsan ay naiinis siya sa ugali nitong medyo hambog at sinungaling subalit ngayon ay hinahanap hanap niya ang lalaki.

Nasasabik siya sa tuwing uuwi siya sa bahay niya galing sa kanyang trabaho dahil baka sakaling naghihintay lang ang binata sa loob. Subalit isang linggo na siyang dismayado dahil hindi na ito muling nagpakita sa kanya.

Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok habang tinititigan ang tambak na mga papeles sa kanyang opisina. Dalawang taon na siyang sekretarya sa MX Company at nakatambak ang gagawin niya dahil sa limang araw na absences niya.

Buti naman mabait sa kanya ang babaeng amo at hindi man lang siya pinagalitan nito o tinanggal sa trabaho.

"Where the hell are you, Voxx?" Celine keeps on asking herself.

Ilang araw na niyang pinagtutuunan ng pansin ang mga gawain sa opisina subalit ang talagang lutang siya kakaisip kung nasaan si Voxx.

"Is he ghosting me?" Fear consumed her thoughts. Talagang nakakabaliw ang ginagawang hindi pagpaparamdam sa kanya ni Voxx. Wala siyang maisip na rason kung bakit nawala na lang siya bigla.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon