Chapter 19:

1.8K 59 2
                                    

CELINE was lying alone, listening to some music on her phone. Thinking of all the memories she had with Voxx until it hurts. Of all people, why her? Bakit siya pa ang malas sa salitang pag-ibig? She might deserved this for being a bad daughter, a badass sister, a lunatic friend, and for being a black sheep in her family.

All along she thought that Voxx felt the same too. She thought that Voxx liked her the way she likes him. It hurts whenever she thinks that everytime Voxx looked at her and making her feel that she was the most beautiful woman he had ever met wasn't really her. It was the face of another woman he once loved.

"Cecelia..." She mumbled her name while staring at the ceiling. Masakit pa din tanggapin para sa dalaga na ang lalaking minamahal niya ay may nakikitang iba pala sa mukha niya. She remembered how Voxx stared at her, he looked like a wounded animal. Naawa siya sa malulungkot na kulay karagatan nitong mga mata at dahil dun hindi niya namamalayan na nahuhulog na pala siya sa binata habang ang binata naman ay nahuhulog sa ibang tao na nakikita nito sa mukha niya.

He must have been so inloved with that woman named Cecelia. Kaya pala pinagbabawalan siya na pumasok doon sa kwartong iyon dahil ayaw nitong malaman niya ang totoo. Ayaw ni Voxx na malaman niya ang katotohanan na hindi siya ang nakikita nito sa kanyang mukha.

Kaya siguro maalaga ito sa kanya, palagi siyang pinapasaya, at minamahal. Subalit ang lahat ng mga ipinakita sa kanyang kabutihan ng binata ay hindi pala para sa kanya kundi para sa taong nakikita nito sa mukha niya.

She wanted to scream, she wished that all of her feelings will soon be gone. But she knows that it will never gonna be easy.

Hulog na hulog na siya sa binata at ibinigay na niya ang lahat-lahat dito. Kaya paniguradong mahihirapan siya ngayon.

"I've never been your treasure..." She mumbled again while recalling her memories of Voxx that making her felt how precious she was.

Tumawa siya at bahagyang napailing iling. Kahit kailan ay hindi siya naging kayamanan sa puso ng binata. Malinaw na ang nakita at nalaman niya kahapon sa kwartong iyon.

Voxx painted that woman's face because he treasured her. He kept their memories. And that painting also symbolizes the love he had for Cecelia.

At alam ni Celine na wala siyang binatbat sa pagmamahal ni Voxx para sa babaeng iyon. Hindi niya pa pala lubusan na kilala ang binata. Kaagad siyang nagtiwala dito at ang mas malala ay minahal pa niya ito. Pero hindi naman niya kasalanan kung nagmahal lang siya. Ang kasalanan lang niya ay kaagad siyang nagtiwala sa taong hindi niya alam ang nakaraan. Napagbugtong hininga na lamang siya habang nag-iisip ng kung ano-ano. Kanina pa siya umiiyak ng walang tigil at sumasakit na ang kanyang dibdib. Inaantok na din siya at mukhang kailangan ng magpahinga ang kanyang mga mata.

So she closed her eyes, hoping that all of the pain will soon be gone. She let go of all the negative thoughts and let herself fall into a deep sleep.

Nagising na lang siya at gabi na. Napabalikwas siya ng bangon nang may narinig siyang bumubusina na kotse sa labas ng kanyang bahay. Hindi niya namalayan na matagal siyang nakatulog dahil kanina pa siya umiiyak habang inaalala ang kanilang mga nagdaan.

Sumilip siya sa bintana at nakita ang binatang si Voxx na nakatayo sa labas ng kanyang bahay. Bahagyang kumirot naman ang kanyang dibdib, alam niya na hindi pweding ipagpatuloy ito dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang kanilang kalagayan ng binata.

Nagsisigaw ito sa labas at ipinikit ni Celine ang kanyang mga mata dahil sa kahihiyan nang magsilabasan din ang kanyang mga kapitbahay at nagtataka kung ano ang nangyayari. Ipinikit niya ang kanyang mga mata baka sakaling pagdilat niya ay wala na ang binata pati na din ang nararamdaman ng puso niya.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon