Chapter 18:

1.8K 59 3
                                    

MATAPOS silang magtanghalian ni Aling Marites ay kaagad siyang dumiritso sa Master's Bedroom. Her curiosity about that room was still bugging her. Nararamdaman niya na parang may mali, na parang nagsisinungaling sa kanya si Voxx, at hindi siya pweding magtanong kay Aling Marites dahil pakiramdam niya ay may tinatago ang mga ito sa mansyon. The way Aling Marites and Voxx exchanges stares earlier, she can say that they are hiding something. But from who and what? And then why?

So she stepped out from the bedroom and walked silently up to the third floor of the mansion—trying to ignore the saying that 'Curiosity kills a cat'.

She gripped the doorknob but to her dismay, it was locked. At hindi niya alam kung saan nilagay ni Voxx ang susi basta ang tanging alam lang niya ay nasa kay Voxx ito.

But she was a black sheep in her family. She often unlocked the gate and doors of their house way back then and hangout with her friends and party all night long. Kaya naman kaagad niyang kinuha ang hairpin na nasa kanyang buhok dahil mahilig siyang maglagay nito for emergency purposes only and she was about to entered the hairpin into the lock but someone cleared a throat. Si Aling Marites!

Kaya naman kaagad siyang humarap sa matanda at itinago ang hairpin sa bulsa ng kanyang denim jeans.

"A-aling Marites...kanina pa po kayo diyan?" Tanong niya sa matanda. Pinilit niya ang sarili na huwag kabahan kahit pa siguro na nahuli siya sa akto nito.

"Anong ginagawa mo dito, hija?" Tanong ng matanda at naging strikta tuloy ang mukha nito. "Alam mo bang bawal kang pumasok diyan?"

She faked a smile. "Ahh kasi po nililibot ko ang buong mansyon. Medyo boring kasi dito sa loob kaya naman naisipan kong maglibot hanggang sa nakita ko ang kwartong ito."

"Mahigpit na ipinagbabawal ni Sir na huwag pumasok diyan." Wika ng matanda na may ma-awtoridad na boses.

She laughed. "Ahh ganun po ba? Okay edi balik na po tayo sa sala..."

Tumalikod na si Aling Marites at naglakad palayo sa kanya kaya naman sumunod siya kaagad sa matanda bago pa ito magduda. Tama siya, tama ang kutob niya na may itinatago si Aling Marites at si Voxx sa kanya at ang mga kasagutan ay andoon sa loob ng tinatawag ni Voxx na opisina.

"Hija..." Tinawag siya ng matanda habang naglalakad sila sa hagdan patungo sa sala. "Uulitin ko sayo, huwag mong iiwan si Sir."

She smiled. "Opo, Aling Marites. Hindi ko po siya iiwan kahit ano pa ang mangyari."

"Huwag kang mangako na hindi mo kayang tuparin." Sagot naman ng matanda at inaamin ni Celine na medyo may pagka-strikta ito. "Baka umasa na naman si Sir sa isang pangako na napako."

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" Tinanong niya ang matanda.

"Alam mo na ba ang tungkol sa dati niyang kasintahan?" Tanong ng matanda sa kanya.

Her eyes brightened. Naalala niya na ikinuwento ni Voxx ang kasintahan niya dati at tungkol sa pangako nilang dalawa sa isa't-isa bago pa naging mayaman ang binata. "Ahh oo po. Naikuwento na po ni Voxx. Bakit po?"

"Bukod sa pangako. Ano pa ang naikuwento niya sayo?" Tanong ni Aling Marites.

"Hmm not much...." She answered honestly. Wala naman talaga masyadong naikuwento sa kanya si Voxx tungkol sa nakaraan nito pero malaki ang tiwala niya sa binata.

"Gaano mo lubusan kakilala ang lalaking minamahal mo ngayon?" Tanong sa kanya ni Aling Marites. Kaagad siyang umupo sa mahabang couch nang makarating sila sa sala subalit nanatiling nakatayo ang matandang babae sa kanyang harapan at sari-sari ang mga emosyon ang nababasa ni Celine sa mga mata ng babae. "Masasabi mo bang kilala mo na kaagad ang tao kahit lamang sa loob ng maikling panahon?"

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon