Chapter 15:

1.8K 58 0
                                    

THEY SPEND the rest of their two-weeks vacation in South Korea before they headed back to the Philippines. Nakabalik na silang dalawa sa iniwan nilang mga buhay dito sa pilipinas at masaya si Celine habang kinukwento niya sa kanyang mga kaibigan ang iba't-ibang tourist spots na pinuntahan nila ng binata.

"Grabe girl...hindi namin alam na nag world-tour na kayong dalawa ni fafa Voxx ha." Wika ng kanyang kaibigan na si Dan. Kasalukuyang nasa opisina kasi sila at balik trabaho na siya pagkatapos nung bakasyon nila ni Voxx.

"At tsaka thank you sa mga cute na stuff toys...I love it!" Stephanie said and then she hugged the teddy bears that Celine gave to her and to Dan.

She giggled. "Yeah...I know how much you guys love stuff toys kaya nung nakapunta kami sa Disneyland ay halos binili ko na lahat dun."

"Mabuti at hindi nagreklamo si Voxx?" Sabi ni Stephanie.

"Pinagbigyan niya ako sa araw na yun dahil birthday ko." Sagot naman ni Celine at hindi mawala wala ang kanyang mga ngiti sa labi habang inaalala ang mga masasayang alaala nilang dalawa ni Voxx.

"Oh see? Di ba sabi ko sayo na makakatulong iyang two weeks vacation mo?" At tinaasan naman siya ng kilay ni Dan.

She laughed. "Oo na...oo na. Ikaw pa naman yung spy na palaging nagre-report kay Voxx."

"Aba! Maswerte ka nga dahil may fafa na gustong alamin lahat ng ginagawa mo at mga gusto mo." Wika ni Voxx at inubos ang coffee na hawak hawak nito kanina pa. "Kaya kung ako sayo, magpakasal na kayo para sayo na siya habangbuhay."

Then she suddenly felt the guilt inside her. Pawang kasinungalingan kasi ang mga nalalaman ng kanyang mga kaibigan. Hindi naman talaga siya fiancee ni Voxx. Ano nga ba talaga ang tunay na kalagayan namin?

Kahit nga siya ay naguguluhan pero naniniwala at umaasa siya na doon din ang punta nila. He just confessed his feelings to her but he never asked her to be his girlfriend.

Kung noon ay fuck buddies. Nasa MU relationship level ba sila ngayon?

Mutual understanding. Mutual feelings. But they're still not couples.

Ano nga ba talaga?

"Hello?? Earth to Celine..." Napukaw na lang ang kanyang atensyon dahil sa lakas ng bunganga nitong si Dan.

"Yes?"

Dan sighed. "Ang sabi ko, ang swerte mo dahil talagang binayaran pa ni Voxx ang paborito mong banda para makita mo ng personal at malapitan." She remembered that she told Dan and Stephanie about her encounter with the band Westlife before the confession of Voxx happened.

"Yup. Kaya sobrang saya ako nung gabing iyon. Akalain niyo? Mas maswerte pa yata ako kaysa mga VIP ng mga concert nila. They sang exclusively just for me..." She can't helped herself not to show the excitement inside her eyes.

"Sana makahanap din ako ng fafa katulad ni Voxx..." Dan said in a dreamy sentence and he sighed. "Pero mukhang tatanda talaga ako nito mag-isa."

Inirapan naman ito ni Stephanie. "You know what? Ang nega mo."

"Totoo naman eh! Walang pumapatol ng seryoso sa bakla..." Dan said and then he pouted his lips.

Niyakap ito ni Stephanie. "Hindi ka naman tatanda mag-isa, kasama mo kami. Di ba, Celine?"

"Oo naman..." Celine said and then she smiled.

"So ano nga ba ang status niyo ni Axel?" Pag-iiba ng topic ni Dan at napatingin ito kay Stephanie.

"We had a date last night..." Sagot naman ng babae at kumalas sa pagkakayakap kay Dan. Pagkatapos ay bumalik ito sa pagkakaupo sa swivel chair. Celine and her friends spend their breaktime talking about Stephanie's love story. Inaamin din niya na iniiwasan niya ang ibang mga katanungan ng kanyang kaibigan gaya ng kung kailan at kung saan sila nagkakilala ni Voxx, kung kailan siya naging so called 'Fiancee' nito, at kung ano na ang balak nila ngayon.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon