DUMAAN sila sa mall dalawa dahil inutusan siya ni Voxx na bumili ng damit na maisusuot ngayong gabi kaya wala siyang pagpipilian kundi sumunod na lang sa utos ng binata. Simpleng blue dress lang ang kanyang binili pero maganda ito at hindi masyadong mamahalin tignan. Kaagad niyang isinuot ito matapos niyang bilhin at kaagad na bumalik sa parking lot kung saan nila iniwan ang kotse na sinakyan.
Kanina pa pala na naghihintay si Voxx sa loob ng kotse at nararamdaman niyang hindi ito lasing. Nagpapanggap na lasing? Oo.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Akala ko ba may pag-uusapan pa tayo?" She asked as soon as she stepped in the vehicle.
Hindi siya sinagot ng binata at tinignan lang din siya nito saglit pagkatapos ay binuhay kaagad ang makina ng kotse. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dalawa ng binata basta nakita niya na lang na pumasok sila sa isang mamahaling hotel dito sa Seoul, South Korea na hindi niya maintindihan ang pangalang nakasulat sa labas.
Pumasok sila sa naturang hotel at dumiritso sa rooftop kung saan sila lang dalawa ni Voxx at bahagyang umuulan ng kaunting niyebe ang kalangitan.
"What are we doing here, Voxx? It's currently snowing and it's cold here." Wika niya nang makarating sila sa madilim na rooftop.
"Dito tayo mag-uusap..." Sagot sa kanya ng binata at hindi niya alam kung mamatawa ba siya o ano. Nasa gitna sila ng rooftop at dito pa talaga sila mag-uusap habang malamig ang panahon at umuulan ng kaunting niyebe.
"What? Nagpapatawa ka ba? Ano bang ginagawa natin dito at dito talaga tayo mag-uusap? Hindi ba pwedi sa bahay na lang tayo ha?" Sunod sunod niyang tanong sa binata. Grabe, hindi niya lubos maisip na mag-uusap lang sila ay kailangan pa talaga na nasa rooftop ng isang five star hotel sa Seoul, South Korea.
Hello!! Si Voxx Rower Maddox lang ang ganito.
Nakatingin lang sa kanya ang binata na may seryosong mukha at hindi na siya sinagot pa.
"Hoy Voxx!!" Pilit niyang kinakausap ng matino ang lalaki subalit nakakainis na dahil hindi man lang ito sumasagot. "Voxx...kapag ako nagalit mas lalo kitang hindi papan—"
Hindi na niya naituloy pa nang bigla na lang lumiwanag ang rooftop dahil sa mga christmas lights at iba pang ilaw na may ibat'-ibang kulay sa gilid na nakabitay sa mga poste na nasa balkonahe ng rooftop.
When the lights are turned on, everything went magical plus the white small crystals that are falling from the dark sky.
She was still amazed and unable to pinpoint what was really happening but she heard someone who was talking from behind using a microphone.
Napalingon siya sa kanyang likuran, sa may bandang elevator na ginamit nila at hindi siya makapaniwala kung sino ang natagpuan ng kanyang mata.
"Hello there Celine!" Maligayang bati nito sa mikropono at nakaharap sa kanya. May kasama itong tatlo pang mga lalaki at alam niya na isa itong banda.
"Voxx!! Gosh...am I dreaming?" Niyugyog niya ang kasama niyang si Voxx habang nakatingin pa din sa apat na lalaking nakatayo sa may bandang elevator at nakahawak ng mikropono ang bawat isa. "Westlife is really here!!"
It was Shane—who greeted him. Nick, Mark, and Kian are also present. She was starstrucked because her most favorite boyband was here eversince she was still a kid.
Shane tested the microphone again and then he spoke. "This song is for the luckiest girl in the world. Belated happy birthday, Celine."
Her mouth formed a little 'O' and she was amazed. Hindi pa din siya makapaniwala na ang bandang inaasam na niyang makita ay nasa harapan niya mismo at magpapatugtog ang mga ito ng kanta para sa kanya.
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower Maddox
RomanceVoxx had once told himself that experiencing love once was enough when he lost his first love. Over the years, he allowed himself to move on, focusing on significant business endeavors. However, everything changed when he met Celine, who bore an unc...